Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Giugliano sa Campania
Ang [d?u???aːno iŋ kam?paːnja], na kilala rin bilang
Giugliano
, ay isang lungsod at
komuna
sa
Kalakhang Lungsod ng Napoles
,
Campania
,
Italya
. Noong 2017, mayroon itong humigit-kumulang na 124,000 naninirahan,
[3]
kaya ito ang
pinakamataong lungsod ng Italya
na hindi isang kabesera ng lalawigan.
Noong ika-5 hanggang ika-4 na siglo BCE ang teritoryo ng Giugliano ay tinirhan ng mga
Osco
. Ayon sa isang tradisyon, ang lungsod ay itinatag ng isang pangkat ng mga kolonyista mula sa
Cuma
noong 421 BCE, na tinawag itong
Lilianum
("Lupain ng Lirio").
Malapit sa "
Lawa Patria
" matatagpuan ang sinaunang lungsod ng
Liternum
. Noong 194 BK ito ay naging isang
kolonyang Romano
. Isa sa pangunahing tanyag na residente nito ay ang nakatatandang si
Scipio Africanus
, na umatras mula sa Roma at namatay doon.
[4]
Ang kanyang nitso at villa ay inilarawan ni
Seneca ang Nakababata
.
[5]
[6]
Noong 455, ang bayan ay dinambong at winasak ni
Genserico
at ng kaniyang mga
Bandalo
.
[7]
Ang mga nakaligtas na mga residente ay lumikas papunta sa kasalukuyang makasaysayang sentro ng Giugliano.
Ang lungsod ay nanatiling isang maliit na sentro hanggang 1207, nang ang Cuma ay winasak ng mga
Napolitano
. Ang ilan sa mga mamamayan mula sa bayang iyon, kabilang ang mga klero at ang capitular ng katedral, ay nagtago sa Giugliano. Ang mga unang dokumento ng pagbanggit ng isang fief sa Giugliano ay nagmula noong 1270.
Ang mga Panginoon ng lungsod ay, ayon sa pagkakasunud-sunod, ang Vulcano, Filomarino,
Pignatelli
,
D'Aquino
, Pinelli, at
Colonna
.