Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol sa isang estado sa Estados Unidos ang artikulo na ito. Para sa bansa sa Europa, tingnan ang
Heorhiya
. Para sa ibang gamit, tingnan ang
Georgia
.
Ang
Georgia
ay isang estado na matatagpuan sa timog-silangang rehiyon ng
Estados Unidos
. Pinapaligiran ito ng
Tennessee
at
Hilagang Carolina
sa hilaga,
Timog Carolina
sa hilagang-silangan,
Alabama
sa kanluran,
Florida
sa timog, at
Karagatang Atlantiko
sa timog-silangan. Itinatag ito noong 1732, ang pinakahuli sa orihinal na
Thirteen Colonies
. Ipinangalan ito kay Haring George II. Ang Georgia ay ang pang-apat na estado na nagratipika ng
Saligang Batas ng Estados Unidos
noong Enero 2, 1788. Ipinahayag nito ang paghiwalay sa Unyon noong Enero 19, 1861, at isa sa orihinal na pitong Confederate States. Ito rin ang pinakahuling estadong naibalik sa Unyon noong Enero 15, 1870. Ang Georgia ang ika-24 sa pinakamalawak at ika-8 sa pinakamatao sa 50 estado ng Estados Unidos.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Estados Unidos
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.