Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
George VI
(Albert Frederick Arthur George; 14 Disyembre 1895 - 6 Pebrero 1952) ay naging
Hari ng Nagkakaisang Kaharian
at ng mga
Dominyon
ng
Britannikong Komonwelt
mula noong ika-11 ng Disyembre 1936 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang kahuli-hulihang
Emperador ng India
at ang kauna-unahang
Pinuno ng Komonwelt
.
Dahil siya ang ikalawang anak ni
Haring George V
, hindi siya inaasahang magmana ng trono at sa kanyang kabataan ay lagi siyang nasa anino ng kanyang nakatatandang kapatid na si
Eduardo
. Siya ay naglingkod sa
Makaharing Hukbong Pandagat
at sa
Makaharing Hukbong Himpapawid
noong
Unang Digmaang Pandaigdig
. Matapos nito ay madalas na siyang dumadalo sa mga pampublikong gawain. Pinakasalan niya si
Binibining Elizabeth Bowes-Lyon
noong 1923 at ang pagsasama nila ay nagbunga ng dalawang anak, si Elizabeth at si
Margaret
.
Ang nakatatandang kapatid ni George ay nagmana sa trono noong 1936 matapos mamatay ang kanyang ama. Ngunit, mga buwan ang lumipas ay naisapubliko ang kagustuhan niyang magpakasal sa isang Amerikana sa ngalang
Wallis Simpson
na dalawng beses nang nakipapagdiborsiyo. Ang dating punong ministro ng Britanyang si
Stanley Baldwin
ay mariing tumutol dito dahil sa kadahilanang pulitikal at relihiyoso.
binitiwan ni Eduardo ang trono
upang magpakasal at si George and naging ikatlong monarko sa
Kabahayan ng Windsor
.
Ang paghahari ni George ang tumanaw sa mabilis na transisyon ng
Imperyong Britanniko
patungong
Komonwelt ng mga Nasyon.
Ang parlyamento ng
Malayang Estadong Irlandika
ay
nagtapos na sa direktang pagbanggit sa ngalan ng monarko
mula sa
Konstitusyon
nito. Makaraan ang tatlong taon, Ang buong Imperyo at Komonwelt ay nasa
digmaan
na laban sa
Alemanyang Nazi
. Matapos ang dalawang taon, sinundan ito ng
Italya
at
Bansang Hapon
. Ngunit kahit panalo ang Britanya at ang mga kaalyado nitom ang
Estados Unidos
at
Unyong Sobyet
ang lumabas bilang mga bagong
bansang makapangyarihan
at ang Britanya ay bumulusok pababa. Ang
paglaya ng Indiya't Pakistan
noong 1947 ang nagtulak kay George na bitiwan ang estilong Emperador ng Indiya kahit siya pa rin ang hari. Noong Hunyo 1948,
Idineklarang Republika ang Irlandiya
at lumisan na sa Komonwelt. Noong 1949 naman ay naging ganap na republika na ang Indiya ngunit sila ay nanatiling miyembro ng Komonwelt. Ang mga problema sa kalusugan ni George ay nagsilitaw sa mga huling taon ng kanyang paghahari. Kaya noong 1952, namayapa na si George at siya ay pinalitan ng kanyang nakatatandang anak na si Elizabeth.
- ↑
From April 1949 until his death in 1952.
- ↑
George VI continued as titular Emperor of India until 22 June 1948.
- ↑
As monarch, George VI was
Supreme Governor of the Church of England
. He was also a member of the
Church of Scotland
.
|
---|
Mga monarko ng Inglatera hanggang 1603
| Mga monarko ng Eskosya hanggang 1603
| | | |
|
|
|
|
- Debatable or disputed rulers are in
italics
.
|