Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
George Fitzgerald Smoot III
(ipinanganak noong 20 Pebrero 1945) ay isang astropisikong Amerikano at nanalo ng $1 milyon sa TV quiz show
Are You Smarter than a 5th Grader?
. Siya ay nagwagi ng
Gantimpalang Nobel sa Pisika
noong 2006 para sa kanyang paggawa sa
Cosmic Background Explorer
kasama ni
John C. Mather
na humantong sa pagsukat ng anyong
black body
at
anisotropiya
ng
cosmic microwave background radiation
. Ito ay nakatulong sa sa teoriyang
Big Bang
ng uniberso gamit ang
Cosmic Background Explorer Satellite
(
COBE
).
[2]
Ayon sa Nobel Prize committee, "ang proyektong COBE project ay maitituring ring panimulang punto para sa
kosmolohiya
bilang isang presisyong agham."
[3]
Ibinigay ni Smoot ang bahagi ng salaping napanalunan niya sa Gantimpalang Nobel na binawasan ng mga gastos ng paglalakbay sa isang pundasyong
kawang gawa
.
[4]
Siya ay propesor ng pisika sa
University of California, Berkeley
, nakatatandang siyentpiko sa
Lawrence Berkeley National Laboratory
, at mula 2010 ay propesor ng pisika sa
Paris Diderot University
, Pransiya. Noong 2003, siya ay ginawaran ng
Einstein Medal
at noong 2009 ay ng
Oersted Medal
.
|
---|
1901?1925
|
|
---|
1926?1950
|
|
---|
1951?1975
|
|
---|
1976?2000
|
|
---|
2001?kasalukuyan
| |
---|