Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Game Shark
("Larong Pating" sa literal na salin) ay isang tatak ng mga
cheat cartridges
o "mga balang panlamang" para sa mga larong pangkompyuter (laro sa
Microsoft Windows
) at pangbidyo. Sa kasalukuyan ang tatak na ito ay pag-aari ng Mad Catz, Inc., na ang kasalukuyan din nagbebenta ng mga GameShark na mga produkto para sa
PlayStation 2
, portable na
PlayStation
,
Xbox
,
Nintendo DS
, at
Game Boy Advance
(kasama ang model na SP at
Micro
). Ang mga GameShark na produkto ay hindi ineendorso ng mga kompanya ng mga larong bidyo. Ang produktong ito ay pwede na rin gawing pang tago ng mga ginawa sa laro (
save file
).
Ang mga balang panglamang ng GameShark ay maaring gamitin ng naglalaro para makapanglamang sa larong bideyo, tulad ng walang hanggang buhay, mga kagamitang di nauubos o iba pang daya na hindi makukuha sa normal na paglalaro. Maari din itong magamit para matuklasan ang mga bahagi ng laro na di napakinabangan ng naglikha o naglathala, tulad ng di nagamit na lebel, sasakyan o karakter na nakatago sa laro.
Mayroon na rin silang bagong kagamitang pandaya (
cheating device
) na pinangalanan
GameShark Pro
. Ang Gameshark Pro ay mayroon mga magagandang bagong magagawa at ito ay may kalamangan laban sa mga lumang bersyon ng GameShark. Ito ay may kakayahan na humawak ng maraming code sa isang bala lamang.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Teknolohiya
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.