한국   대만   중국   일본 
Francis Bacon - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Francis Bacon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Francis Bacon
Francis Bacon
Kapanganakan 22 Enero 1561
Kamatayan 9 Abril 1626
Mamamayan Kaharian ng Inglatera
Trabaho Manananggol, pilosopo

Si Sir Francis Bacon , KC , (22 Enero 1561 ? 9 Abril 1626) ay isang Ingles na pilosopo, politiko, at may-akda. Naging kabalyero siya noong 1603. Naging Baron Verulam siya noong 1618, at Biskonde San Albano noong 1621. Dahil wala siyang mga anak, nagwakas ang mga titulo o pamagat na ito sa kanyang kamatayan.

Unang niyang hanapbuhay ang pagiging isang abogado. Naging pinakakilala siya sa pagiging pangunahing tagapag-isip ng mga bagong kaparaanan sa pagtingin sa daigdig. Dahil sa kanyang mga sulatin, nagsimula at naging bantog ang isang paraan ng pag-iisip ukol sa agham , na kilala sa kasalukuyan bilang metodong Baconiano . Nakabatay ang pamamaraang ito sa pagtanaw sa mundo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga eksperimento. Pagkaraan ng pagpanood o pagtingin sa mga kinalabasan, nagkakaroon ang mga siyentipiko ng isang ideya upang maipaliwanag ang kung ano ang naganap. Ang ideyang ito o hipotesis ay mas ginagawan pa ng karagdagang mga pagsusubok. Tinatawag ang ganitong paraan ng pag-iisip hinggil sa siyensiya bilang metodolohiyang induktibo . Noong kapanahunan ni Bacon, kaugnay ang mga metodong ito sa salamangka , pati na ang hermetisismo at alkemiya .

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]


BiyolohiyaTalambuhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya  at Talambuhay ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.