Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
| Kailangang
isapanahon
ang artikulong ito.
Pakitulungang isapanahon ang article na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na.
|
Si
Fidel Castro Ruz
(
audio
)
(13 Agosto 1926 - 25 Nobyembre 2016
[3]
) ay namamahala ng
Cuba
simula pa noong 1959, kung saan noong panahong iyon, pinamunuan
Kilusang 26 Hulyo
, pinatalsik niya ang rehimen ni
Fulgencio Batista
, at binago ang anyo ng Cuba sa kauna-unahang
estadong komunista
sa
Kanlurang Hemisperyo
.
Unang nagkaroon ng atensiyon kay Castro ang buhay
politika
sa Cuba sa pamamagitan ng kanyang
aktibismo
bilang mag-aaral; ang prangka niyang
nasyonalismo
at radikal na pagpuna kay Batista at impluwensiya ng
Estados Unidos
sa Cuba ang nagdala ng pagtanggap, kritisismo, at atensiyon mula sa mga awtoridad. Sa bandang huli, ang kanyang mga pag-atake sa Baraks ng Moncada, at mga sunod-sunod na pagtapon sa kanya, at ang guerillang pagsakop sa Cuba noong
Disyembre
1956 ang nagtatak sa kanyang katanyagan sa buong mundo. Simula nang umakyat sa kapangyarihan noong 1959, naging mas kontrobersiyal, at maimpluwensiya, na pinainit ang maraming pagkondena, paghanga, at pagtatalo.
Sa internasyunal na relasyon, nagbunga ang kanyang pamumuno ng mga tensiyon sa
Estados Unidos
(umabot sa rurok noong
Krisis ng Misil sa Cuba
) at isang malapit na samahan sa
Unyong Sobyet
. Sa pamumuno ng Cuba, pinamahalaan niya ang implementasyon ng radikal na
reporma pang-lupa
na sinundan ng
kolektibisasyon
ng
agrikultura
,
nasyonalisasyon
ng mga nangungunang industriya sa Cuba (nasa ilalim ng Estados Unidos ang ilan), at mga programang panlipunan na pinamulaan ang
pangkalahatang pag-ingat sa kalusugan
at pinalawak ang walang bayad na
pampublikong edukasyon
. Nagkaroon ang pamahalaan ni Castro ng malawak na suporta sa mga taga-Cuba sa simula ngunit inalayo ang kalooban ng maraming gitna at mataas na uri ng lipunan habang ang bagong pamahalaan ay ginawang pambansa ang mga industriya, pinigilan ang lahat ng partidong oposisyon, at tinakdaan ang pangingibang bayan
Kapag namatay o nagkaroon ng matinding sakit, mapupunta ng legal ang pamamahala ni Castro kay Bise Presidente
Raul Castro
, ang kanyang kapatid.
|
---|
|
- interim
^
Domingo
gumanap bilang pangulo noong kanyang termino.
|
![Kuba](//upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/bd/Flag_of_Cuba.svg/35px-Flag_of_Cuba.svg.png)
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Cuba
at
Politiko
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.