Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sa
partikulong pisika
, ang isang
fermion
(na ipinangalan kay
Enrico Fermi
) ay anumang partikulo na sumusunod sa
estadistikang Fermi-Dirac
(at sumusunod sa
prinsipyong Pauli na ekslusyon
). Ang mga fermion ay salungat sa mga
boson
na sumusunod sa
estadistikang Bose-Einstein
.
Ang isang fermion ay maaaring isang
elementaryong partikulo
gaya ng
elektron
o ito ay maaaring isang kompositong partikulo gaya ng
proton
. Ang
teoremang ikot-estadistika
ay nagsasaad na sa anumang makatwirang
relatibistikong
teoriyang quantum field
, ang mga partikulong may
intedyer na ikot
ay mga
boson
, samantalang ang mga partikulo na may
kalahating-intedyer na ikot
ay mga fermion.
Salungat sa mga boson, isang fermion lamang ang maaaring umokupa ng isang partikular na
estadong quantum
sa anumang ibinigay na panahon. Kung ang higit sa isang fermion ay umookupa ng parehong pisikal na espasyo, ang hindi bababa sa isang katangian ng bawat fermion gaya ng
ikot
nito ay dapat iba. Ang mga fermion ay karaniwang inuugnay sa
materya
samantalang ang mga
boson
ay karaniwang mga tagadala ng pwersang mga partikulo, bagayam sa kasalukuyang estado ng
pisikang quantum
, ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang mga konsepto ay hindi maliwanag.
Ang
Pamantayang Modelo
ay kumikilala ng dalawang mga uri ng elementaryong mga fermion: mga
quark
at
lepton
. Sa lahat, ang modelo ay bumubukod sa 24 iba ibang mga fermion: 6 na
quark
at 6 na
lepton
na ang bawat isa ay may katugong
anti-partikulo
.