Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Faustino Aguilar
|
---|
Kapanganakan
| 15 Pebrero 1882
|
---|
Kamatayan
| 1955
|
---|
Mamamayan
| Pilipinas
|
---|
Trabaho
| mamamahayag
|
---|
Si
Faustino S. Aguilar
(ipinanganak noong 15 Pebrero 1882 sa
Malate, Maynila
) ay isang
Pilipinong
nobelista, mamamahayag at rebolusyonaryo. Nasa kainitan ng kabataan si Faustino Aguilar nang dumating dito at sakupin tayo ng mga Amerikano.
Nasaksihan niya at nadama ang pagmamalabis ng mga dayuhan sa mga manggagawang Pilipino. Istrikto ang mga Amerikano sa pagpapasunod sa mga batas ng paggawa subalit kulang naman ang mga manggagawa sa mga kagamitan. Nakita niyang apingapi ang maliliit na manggagawa. Wala silang mga karapatan at dignidad bilang tao sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano.
Ito ang nagtulak kay Faustino Aguilar upang maisulat ang nobelang
Pinaglahuan
. Sa nobelang ito binuhay ni Aguilar ang pagdurusa ng kaluluwa. Naging tagapaglahad siya ng katotohanan at tagamungkahi ng kalutasan.
Sinasabing si Faustino Aguilar ang kauna-unahang sumulat ng nobelang panlipunan. Ang ilan pang mababanggit na mga nobelang sinulat ni Aguilar ay "Lihim ng Isang Pulo,
Busabos ng Palad,
Nangalunod sa Katihan,
at
Patawad ng Patay.
Siya binawian ng buhay noong taong 1955.
Ang lathalaing ito ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.