한국   대만   중국   일본 
Euclidyanong bektor - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Euclidyanong bektor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa matematika , pisika , at inhinyera , ang Euclidyanong bektor (mula Kastila : vector Euclidiano ) o tuganong Euclidyano ( Ingles : Euclidean vector ), mas kilala sa pinaiksing tawag na bektor (mula Kastila : vector ) o tugano lamang, [a] ay isang heometrikal na bagay na may kalakhan ( magnitude ) o haba , at direksyon . Ayon sa alhebrang pambektor , maaaring idagdag ang mga bektor sa iba pang mga bektor. Madalas itong ipinapakita bilang isang sinag ( ray ) o pasulat sa anyong , kung saan ang AB ay ang mga punto ng sinag ? A ang pinagmulan at B ang patutunguhan.

Galing sa salitang Kastila na vector ang "bektor," na nagmula naman sa salitang Latin na vector ("tagadala"). Una itong ginamit noong ika-18 siglo ng mga astronomo sa kanilang pag-iimbestiga sa pag-ikot ng mga planeta sa Araw . Ang kalakhan ng bektor ay ang layo ng dalawang punto sa isa't isa, at tinutukoy naman ng direksyon ang direksyon ng paglipat ( displacement ) mula sa punto na A papuntang B . Maraming pagkakatulad ang mga operasyon sa bektor sa mga operasyon sa alhebra (tulad ng pagdaragdag , pagbabawas , pagpaparami , at negasyon ) ? sinusunod rin nila ang mga katangian ng komukatibo , asosyatibo , at pamamahagi . Ang mga operasyon at katangiang ito ay ang dahilan kung bakit ginagawang halimbawa ang mga Euclidyanong bektor sa pangkalahatang konsepto ng mga bektor bilang isang elemento sa espasyong pambektor .

Talababa [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. Kilala rin sa ibang tawag: heometrikong bektor o heometrikong tugano , at espasyal na bektor o espasyal na tugano .