Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
epektong triboelektriko
na kilala rin bilang
pagkakargang triboelektriko
ay isang uri ng
elektripikasyong pagdidikit
kung saan ang ilang mga materyal ay nagkakaroon ng
kargang elektriko
pagkatapos madikit sa iba pang materyal sa pamamagitan ng
priksiyon
. Ang pagkikiskis ng isang baso sa balahbio o isang suklay sa buhok ay maaaring magtipon ng triboelektrisidad. Ang
polaridad
at lakas ng mga kargang nalilikha ay magkakaiba ayon sa mga materyal, pagiging magaspang ng ibabaw nito, temperatura, strain at iba pang mga katangian. Kaya, ito ay hindi napaka-mahuhulaan at ang malawak na mga paglalahat lamang ang magagawa. Ang
amber
halimbawa ay maaaring magkamit ng kargang elektriko sa pamamagitan ng pagdikit at paghihiwalay(o priksiyon) sa isang materyal tulad ng
lana
. Ang katangiang ito na unang itinala ni
Thales
ay nagmungkahi ng "
elektrisidad
" (Mula sa simulang pag-iimbento ni
William Gilbert
na "electra") mula sa salitang Griyego para sa
amber
na
?lektron
. Ang iba pang mga halimbwa ng materyal na maaaring magkamit ng isang malaking karga kapag nakiskis ng magkasama ay kinabibilangan ng baso sa
sutla
at matigas na goma sa
balahibo
.