Si
Toshiko
ay isang babae at ang ika-117 na
Emperador ng Hapon
. Kung bakit siya tinawag na Emperador bagaman siya ay babae ay sa kadahilanang ang katagang Emperatris ay nangangahulugang asawa ng Emperador. Hindi siya asawa ng Emperador, kundi siya mismo ang Emperador at walang naitalang asawa niya.
Si Toshiko ang pinakahuling babae sa walo na umupo sa
Trono ng Krisantemo
ayon sa mahabang kasaysayan ng Trono. Siyam na taon siyang namalagi sa Trono simula noong taong
1762
hanggang taong
1771
.
Ang
nengo
o panahon ng panunungkulan niya ay trono ay tinawag na
Go-Sakuramachi
. Sa kasaysayan ng Hapon, nakikilala ang emperador hindi sa kanilang personal na pangalan (imina) kundi sa kanilang nengo. Kaya’t noong namatay si
Toshiko
kinilala siya bilang
Emperador
(o Emperatris)
Go-Sakuramachi
.
Ang ibig sabihin ng
Go
sa kanyang
Go-Sakuramachi
ay "
Panghuli
o
Pangalawa
". Ang kanyang ama ay si
Emperador Sakuramachi
kaya siya ay ang
Panghuling Sakuramachi
o
Ikalawang Sakuramachi
. Maaari ding
Sakuramachi II
.
Ipinanganak si Toshiko noong ika-23 ng Setyember ng taong
1740
at namatay noong ika-24 ng Disyembre ng taong
1813
. Bago siya malulok kinilala siya bilang Prinsesa
Isa
(Isa-no-miya) pero pinalitan niya ito ng Prinsesa
Ake
(Ake-no-miya).
Ikalawa siyang anak ni
Teruhito
o Emperador Sakuramachi. Ang kanyang ina ay si Ieko Nijou. Bata pang namatay ang kanyang ate, ang kanyang kapatid na si
Toohito
ay naging si Emperador
Momozono
.
Noong taong
1762
, umupo siya sa
Trono ng Krisantemo
sa pamamagitan ng isang espesyal na kautusan ni Emperador Momozono, dahil ang kanyang anak na si
Hidehito
(Emperador Go-Momozono) ay limang taong gulang pa lamang.
Sa pag-upo niya sa Trono ng Krisantemo, she ang kauna-unahang namunong Emperatris sa loob ng 119 na taon mula ng maluklok si
Emperador
(Emperatris)
Meishou
.
Bagaman meron pang pitong naluklok na mga babaeng Emperador, ang mga sumunod sa kanila ay galing sa mga lalake ng dugong maharlika. Maraming mga konserbatibong iskolar na nagsasabi na ang panunungkulan ng mga babaeng Emperador ay panandalian lamang kung kaya’t lalake lamang dapat ang umupo sa trono ngayong ika-21 daangtaon. Pero isang sumira sa kaisipang ito ay si
Ahe
o Emperador (Emperatris) Gemmei na pinalitan ng kanyang anak na si
Hidaka
/
Niinomi
o Emperador (Emperatris) Genshou.
Noong ikasiyam na taon ng kanyang panunungkulan, taong
1770
, ipinaubaya niya ang Trono ng Krisantemo kay Hidehito o Emperador Go-momozono.
Pero hindi nagtagal sa trono si Hidehito. Habang naghihingalo ito, ang Retiradong Emperador na si Go-Sakuramachi ay kinonsulta ang mga nakakatandang tagapayo at mga gwardiya ng Palasyo na ampunin si Prinsipe
Fushimi-no-miya
, pero ang napili ay si Prinsipe Morohito, ang ikaanim na anak ni Prinsipe Sukehito sa Bahay ng Kan’in (
Kan’in-no-miya
) ang isa sa apat ng sangay o Bahay na pinagmumulan ng mga maharlika na umuupo sa Trono. Marami ang sumang-ayon dito kung kaya’t agad na inampon ng naghihingalong si Go-Momozono si Prinsipe
Morohito
(pinalitan niya ang kanyang pangalan bilang
Tomohito
) na naging Si
Emperador Koukaku
.
Pagkatapos ng paglilipat ng sanga ng mga uupo sa Trono, si Toshiko ngayong isa ng Retiradong Emperador ang tinagurang Tagapangalaga sa Batang Panginoon (Si Morohito).
Namatay si Toshiko noong taong
1813
sa edad na 73. Siya ay inilibing sa sa
Tsukinowa no Misasagi
sa bahagi ng
Higashiyama
sa Prepektura ng
Kyoto
.
Iniwan niya ang isang aklat na may pamagat na
Kinch?-nenj? no koto
("Mga Kaganapan ng Panahon sa Korte ng Imperyo "). Binubuo ito ng mga tula, mga liham ng imperyo, kasulatan at marami pang iba na masasabing may magaling uring pampanitikan.