Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Fujiwara no Sh?shi
(
藤原彰子
)
o
Emperatris Sh?shi
(988?1074), (
Akiko
), na nakikilala rin bilang
J?t?mon-in
(
上東門院
)
, ang pinakamatandang anak na babae ni
Fujiwara no Michinaga
, ay isang
Emperatris ng Hapon
mula c. 1000 hanggang c. 1011. Ipinadala siya ng kaniyang ama upang manirahan sa loob ng harem ni
Emperador Ichijo
noong nasa edad na 12. Dahil sa kaniyang kapangyarihan, impluwensiya, at pakikipagsapakatang pampolitika, mabilis niyang nakamit ang katayuan bilang pangalawang emperatris. Bilang emperatris, nagawa niyang mapalibutan ang kaniyang sarili ng isang korte ng matatalino at edukadong mga
babaeng utusan
(mga
ladies-in-waiting
) na katulad nina
Murasaki Shikibu
, may-akda ng
Ang Kuwento ni Genji
.
Sa pagsapit ng edad na 20, nagkaroon siya ng dalawang anak na lalaki mula kay Ichij?, na kapwa naging mga emperador at naseguro ang katayuan ng lahi ng
angkan ng Fujiwara
. Sa hulihan ng pagka-30 gulang niya, siya ay naging isang madreng
Budista
, na tinatalikuran ang ibang mga tungkulin at mga titulong pang-imperyo, subalit umako ng pamagat bilang
Imperial Lady
(Ginang ng Imperyo). Nagpatuloy siya sa pagiging isang maimpluwensiyang miyembro ng mag-anak ng imperyo hanggang sa kaniyang kamatayan sa edad na 86.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Hapon
at
Kasaysayan
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.