Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
|
Makakatulong po kayo sa
pagpapabuti nito
sa pamamagitan ng
pagdagdag ng mga
maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian
.
Tandaan
lamang po na
agad na tatanggalin
ang mga
kaduda-dudang materyales
nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni.
|
Umupo bilang ika-125
Emperador ng Hapon
(1989-2019) si
Akihito
sa
Trono ng Krisantemo
ng mamatay ang kanyang amang si
Hirohito
(kilala bilang
Emperador Showa
) noong 7 Enero 1989. Ang pormal na Seremonya ng Pagluluklok ay ginanap noong 12 Nobyembre 1990 na dinaluhan ng mga dignitaryo gaya ng mga hari at puno ng estado ng 158 na bansa sa buong mundo.
Ipinanganak si Emperador Akihito noong 23 Disyembre 1933 sa
Tokyo
. Siya ang unang anak na lalake nina Emperador
Hirohito
at ng kanyang asawang si
Nagako
. Panglima siya sa pitong magkakapatid. Apat ang kanyang ate, lalaki din ang sumunod sa kanya at isang bunsong babae.
Nag-aaral siya ng kanyang elementarya at high school sa Gakushuin, dating paaralan ng Ministeryo ng Bahay Tanggapan ng Imperyo na naging pribadong institusyon. Inilikas siya palabas ng Tokyo sa kalagitnaan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
, at nasa kabundukan siya ng
Nikk?
ng matapos ang giyera noong 1945.
Noong 1952, pumasok siya sa departamento ng
Agham Pampolitika
Naka-arkibo
2008-03-15 sa
Wayback Machine
. at
Ekomiya
sa
Pamantasang Gakushuin
Naka-arkibo
2008-10-21 sa
Wayback Machine
.. Nang taong ding iyon, ginanap ang Seremonya ng Pagbibinata at kanyang pagkaluklok bilang susunod na tagapagmana ng trono ng Imperyo. Maliban sa kanyang pormal na edukasyon, nag-aral din si Akihito ng Kasaysayan ng Hapon at Saligang Batas.
Noong 10 Abril 1959, pinakasalan niya si Binibining
Michiko Shoda
, anak ng negosyanteng si Hidesaburo Shoda. Nagtapos si Binibining Shoda sa
Kagawaran ng Wikang Banyaga at Panitikan
sa
Pamantasang ng Banal na Puso
Naka-arkibo
2008-12-26 sa
Wayback Machine
..
Ang kanilang mga naging supling ay sina Prinsipe
Naruhito
na ipinanganak noong ika 23 Pebrero 1960, si Prinsipe
Akishino
(Fumihito) na ipinanganak noong ika 30 Nobyembre 1965 at si Prinsesa
Sayako
na ipinanganak noong ika 18 Abril 1969.
Dahil wala namang gaanong ginagawa ang Emperador ng Japan sa kadahilang ang kapangyarihang pampolitika ay nasa
Punong Ministro
, at ayon sa kanilang Saligang Batas ang Emperador ay isang sagisag lamang ng estado at pagkakaisa ng mga tao, nauubos ang panahon ni Emperador Akihito sa pag-aaral ng isdang goby. Sa katunayan isa siyang eksperto dito at halos 30 aklat, at mga kasulatan ang kanyang nailathala. Kabilang si Emperador Akihito sa
Icthyological Society of Japan
.
2019 successor
Emperador Naruhito
.