한국   대만   중국   일본 
Edukasyong sekundarya - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Edukasyong sekundarya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang edukasyong sekundarya (Ingles: secondary education , literal na "edukasyong pampangalawa") ay isang baitang o hakbang sa edukasyon na kasunod ng edukasyong primarya . Maliban na lamang sa mga bansa kung saan ang edukasyong primarya o basiko lamang ang kompulsoryo o dapat daluhan, ang edukasyong sekundarya ay kinabibilang ng pinakahuling baitang ng edukasyong kompulsoryo at sa maraming mga bansa ito ay talagang kompulsoryo o "sapilitan". Ang kasunod na baitang ng edukasyon ay karaniwang mas mataas na edukasyon (ang dalubhasaan o ang pamantasan ). Ang edukasyong sekunarya ay kinatatangian ng transisyon o paglipat magmula sa edukasyong primarya para sa mga may menor na edad papunta sa edukasyong tersiyaryo , post-sekundaryo , o mas mataas na edukasyon (iyong sa unibersidad o paaralang bukasyunal ) para sa mga adulto na. Batay sa sistema, ang mga paaralan para sa panahong ito o isang bahagi ng panahong ito ay maaaring tawaging paaralang sekundarya , hayskul , himnasyo , liseo , paaralang panggitna , ikaanim na porma , kolehiyong pang-anim na porma , paaralang pambokasyon at mga paaralang preparatoryo o mga paaralang panghanda para sa pagtuntong sa pamantasan, at ang tumpak na kahulugan ng anuman sa mga ito ay nagkakaiba-iba sa pagitan ng mga sistema ng edukasyon .

Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.