Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
ebanghelyo
[1]
(
Ingles
:
gospel
) ay isang salitang hinango mula sa
wikang Griyego
na nangangahulugang "
mabuting balita
hinggil sa kaligtasan". Binubuo ang
Bibliya
, ng apat na mga ebanghelyo: ang mula kina
Mateo
,
Marcos
,
Lucas
, at
Juan
. Mayroong sagisag ang bawat isa ayon kay
propeta
Ezequiel
: "
Tao
" para kay Mateo, "
Leon
" para kay Marcos, "
Baka
" para kay Lucas, at "
Agila
" naman kay Juan.
[1]
Orihinal na nasasatitik sa Griyego ang mga ebanghelyo nina Marcos, Lucas, at Juan, samantalang ang nasusulat sa
Arameo
ang kay Mateo. Tinaguriang mga "sinoptiko" ang mga ebanghelyo nina Mateo, Marcos, at Lucas dahil may pagkakaisa ang mga ito sa kanilang nilalaman at kabuoran.
[1]
)
Nagkaroon ng apat na mga sagisag ang bawat isang ebanghelyo dahil sa mga ilang kadahilanan. Sinasagisag ng mabuting balita ni San Mateo ang
tao
sapagkat nagsimula ito sa pag-ungkat sa mga kaninununuan ni
Hesukristo
, na pawang mga yari sa
laman
. Binigyan naman ng simbolong
leon
ang kay Marcos, dahil sa pagsisimula nito sa kuwentong ukol kay
Juan Bautista
na isang taong may "tinig na sumisigaw sa ilang." Iniugnay ang
baka
sa ebanghelyo ni Lucas sapagkat nagbungad ito ng paglalahad tungkol sa mga paghahain ng alay ni
Zacarias
, isang
pari
. Ginagamit ang hayop sa mga pag-aalay. Kaugnay naman ng ibong
agila
ang mabuting balita ni Juan sapagkat agad nitong inihahayag ang katotohan ng pagiging
Diyos
ni Hesukristo sa unang mga pahina ng aklat.
[1]
Ang
Injil
("Pagpapakita") ay ang pangalang
Arabe
para sa kauna-unahang Ebanghelyong ibinigay kay Hesus (
Issa
), isa sa apat na
mga Islamikong Aklat na Banal
na kinikilala ng
Islam
bilang galing sa Diyos (
Allan
). Hindi tinutukoy ng
Injil
ang kalahatan ng Bagong Tipan (
Anajil
) ni sa apat na Ebanghelyo
[2]
. Ang panananlig sa
Injil
ay kailangan, ayon sa kautusan ng isa sa anim na Islamikong
mga Artikulo ng Pananampalataya
.
Maraming Muslim ang naniniwala na ang naunang ebanghelyong ito ay dumaan sa maraming mga pag-iiba,
tahrif
, sa paglipas ng panahon. Iminumungkahi ng ilang mga Muslim na ang kasalukuyang mga ebanghelyong Kristiyano ay maaaring nagtataglay ng mga butil-butil ng tunay na mensahe ni Hesus, ngunit naniniwala sila na ang malaking bahagi ng tunay na mga aralin ay nasira na at hindi na maaaring maibalik pa.
May kaugnay na midya tungkol sa
Gospels
ang Wikimedia Commons.