Ang
E1 expressway
ay isang bahagi ng
sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas
.
[1]
Dumadaan ito sa kanlurang
Luzon
mula
Lungsod Quezon
papuntang
Pozorrubio
,
Pangasinan
sa hilaga, kasama ang nakaplanong karugtong papuntang
Rosario
,
La Union
.
Binubuo ng katimugang bahagi ng E1 ang malaking bahagi ng
North Luzon Expressway
, isang pang-apatan hanggang pang-waluhang may-takdang mabilisang daanan na nag-uugnay ng
Kalakhang Maynila
sa mga lalawigan sa rehiyong
Gitnang Luzon
. Itinayo ito noong dekada-1960 at may habang 84 na kilometro (52 na milya).
Nagsisimula ang mabilisang daanan sa
Lungsod Quezon
sa
Palitan ng Balintawak
sa
EDSA
bilang karugtong ng
Abenida Andres Bonifacio
. Dadaan ito sa mga lungsod ng
Caloocan
at
Valenzuela
sa Kalakhang Maynila at sa mga lalawigan ng
Bulacan
at
Pampanga
sa Gitnang Luzon. Kasalukuyang nagtatapos ito sa
Mabalacat
at durugtong ito sa
Lansangang MacArthur
na magtutuloy pahilaga patungo sa nalalabing bahagi ng Gitna at Hilagang Luzon.
Sa simula ito ay kontrolado ng
Philippine National Construction Corporation
o PNCC, ang pamamahala at pagpapanatili ng NLEX ay inilipat noong 2005 sa
Manila North Tollways Corporation
, isang sangay ng
Metro Pacific Investments Corporation
. Isang pangunahing pagpapaganda at pagsasaayos na natapos noong Pebrero 2005 ay ang pagiging hawig ng modernong kalidad nito sa mga mabilisang daanan sa
Pransiya
.
Binubuo ng gitnang bahagi ng E1 ang bahaging Clark-Tarlac ng
Subic?Clark?Tarlac Expressway
, isang 93.77 kilometro (53.77 milya) at pang-apatang mabilisang daanan na itinayo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), isang korporasyon na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng gobyerno sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ang mabilisang daanan, na sinimulan noong ika-5 ng Abril, 2008, ay ang pinakamahabang mabilisang daanan sa Pilipinas. Nagsimula ang komersiyal na pagpapatakbo nito noong ika-28 ng Abril, 2008, kalakip ang pagbubukas ng bahaging Subic-Clark at Sonang A ng bahaging Clark-Tarlac. Naging hudyat ng buong pagpapatakbo ng SCTEX ang pagbubukas ng mga Sonang B at C ng nalalabing parte ng bahaging Clark-Tarlac noong ika-25 ng Hulyo, 2008.
Binubuo ng hilagang bahagi ng E1 ang
Tarlac?Pangasinan?La Union Expressway
, isang 88.85 kilometro (55.21 milya) at pang-apatang mabilisang daanan sa hilaga ng
Maynila
sa hilagang Pilipinas. Iniuugnay nito ang gitna sa hilagang Luzon,
[2]
kalakip ng katimugang dulo nito sa
Lungsod ng Tarlac
,
Tarlac
at ng nakaplanong hilagang dulo nito ay kasalukuyang nakatakda sa
Rosario
,
La Union
.
[3]
[4]
Ang unang bahagi ng proyekto, mula Lungsod ng Tarlac hanggang
Pura
, ay gumagana na sa batayang "
soft opening
" mula noong ika-31 ng Oktubre, 2013, at nakahanda ito sa buong pagpapatakbo noong Nobyembre 2013.
[5]
Parte ng pangalawang bahagi, na magdadala ng mga motorista sa
Ramos
, ay binuksan noong ika-23 ng Disyembre, 2013. Ang nalalabing bahagi mula
Anao
hanggang
Rosales
,
Pangasinan
ay binuksan noong 2014, at nakatakdang matatapos ang huling bahagi ng mabilisang daanan na nagtatapos sa Rosario, La Union sa Hunyo 2019.
[3]
[4]
May mga panukala rin na pahabain ang mabilisang daanan patungong
Laoag
sa
Ilocos Norte
.
[2]