Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Dito tumuturo ang
superdominyo
, para sa ibang gamit tingnan ang
dominyo (paglilinaw)
, at
imperyo (paglilinaw)
.
Sa
taksonomiyang
pang
biyolohiya
, ang
dominyo
(
Ingles
: domain) - na tinatawag ding
superkaharian
(
superkingdom
),
superreynum
(
superregnum
), at
imperyo
(
empire
) - ay ang pinakamataas na
kahanayang pang-taksonomiya
ng mga
organismo
, at higit na mataas pa kaysa
kaharian
. Ito ang pinakamapansakop sa lahat ng mga kalipunang pang-biyolohiya. Ang mga
saklaw
o
sakop
nito ay ang mga sumusunod na hati:
Archaea
,
Eubacteria
at
Eukaryota
. Ipinapakita ng pagkakaayos ng
taxa
ang pinakamahalagang kaunlaran (ebolusyon) sa pagkakaiba-iba ng mga
genome
.
May marami pang makabagong pamalit na klasipikasyong pang-dominyo para sa
buhay
. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Ang
pamamaraan ng may dalawang imperyo
o
sistemang superdominyo
(
superdomain system
), na may mataas na antas na pagbubuklod ng mga imperyong
Prokaryota
(o
Monera
) at
Eukaryota
.
- Ang
ang pamamaraang may anim na kaharian
na mataas na antas ng paghahati sa mga domihay ng:
Protista
,
Archaebacteria
,
Eubacteria
,
Fungi
,
Plantae
, at
Animalia
.
- At ang pinakabagong paraan: ang
pamamaraang may tatlong dominyo
na ipinakilala ni
Carl Woese
noong
1990
, at may mataas na antas ng paghihiwalay sa katipuna ng mga nasasakupang
Archaea
,
Bacteria
, at
Eukaryota
. Nangangailangan ito ng mga karagdagang mungkahi sa pagaayos, sapagkat ang mga paglilipon na ito ay pangunahing nakasalalay sa pagsusuri ng mga impormasyon na nakalap mula sa
pagkakasunud-sunod na maka-henetiko
at
kladistiko
Ang tatlong dominyong ito ay naglalaman ng natatanging
ribosomal RNA
. Ito ang batayan ng sistema ng tatlong dominyo. Bagaman ang presensiya ng isang nuklyear ng membrao ang nagtatangi ng
Eukarya
sa
Archaea
at
Bacteria
na parehong walang nukleyar na membrano, ang natatanging biyokemikla at mga tandang
RNA
ay nagtatangi ng Archaea sa Bakterya.
Ang mga Archaea ay mga
selulang
prokaryotiko
na may mga membranong
lipido
na sumangay ng mga kadensang
hydrokarbon
na nakakapit sa glycerol sa pamamagitan ng mga paguugnay na ethere. Ang presensiya ng mga pag-uugnay na ethere ay nagdadagdag ng kanilang kakayahan na mabuhay sa mga kondisyon na may mga matatas na temperatura at mga asidiko. Ang mga
Halophile
ay nabubuhay sa mga kapaligirang sobrang maalat ang mga
hyperthermophiles
ay nabubuhay sa sobrang init na kondisyon.
Bagaman ang mga bakterya ay mga selulang prokaryotiko tulad ng Archaea, ang kanilang mga membrano ay gawa sa mga [phospholipid bilayer]]. Dalawa sa halimbawa ng bakterya ang
Cyanobacteria
at
mycoplasmas
. Wala silang mga ugnayang ether gaya ng Archaea.
Ang mga kasapi nito ang mga
eukaryote
na may mga organelong nakakapit sa membrano kabilang ang nukleyus na naglalaman ng materyal na henetiko. Ito ay kinakatawan ng limang kaharian:
Plantae
,
Protozoa
,
Animalia
,
Chromista
, at
Fungi
.
- ↑
Cox, C. J.; Foster, P. G.; Hirt, R. P.; Harris, S. R.;
Embley, T. M.
(2008).
"The archaebacterial origin of eukaryotes"
.
Proc Natl Acad Sci USA
.
105
(51): 20356?61.
Bibcode
:
2008PNAS..10520356C
.
doi
:
10.1073/pnas.0810647105
.
PMC
2629343
.
PMID
19073919
.
{{
cite journal
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Ciccarelli FD, Doerks T, von Mering C, Creevey CJ, Snel B, Bork P (2006).
"Toward automatic reconstruction of a highly resolved tree of life"
(PDF)
.
Science
.
311
(5765): 1283?7.
Bibcode
:
2006Sci...311.1283C
.
CiteSeerX
10.1.1.381.9514
.
doi
:
10.1126/science.1123061
.
PMID
16513982
.
S2CID
1615592
.
{{
cite journal
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)