Ang
Doktor ng Simbahan
(
Latin
doctor
, guro, mula sa Latin na
docere
, magturo) ay isang titulong iginagawad ng iba't ibang simbahang Kristiyano sa mga indibidwal na kanilang kinikilala na may partikular na kahalagahan, lalo na sa kanilang naging ambag sa
teolohiya
o
doktrina
.
Sa Kanluraning simbahan, apat na bantog na mga Ama ng Simbahan ang nakapagtamo ng karangalang ito noong maagang
Gitnang Panahon
, sina San
Gregorio ang Dakila
, San
Ambrosio
,
San Agustin
, at
San Jeronimo
. Ang "apat na Doktor" ay naging karaniwang bukambibig ng mga
Eskolatisko
, at ang dekreto ni
Papa Bonifacio VIII
(1298) na nag-aatas na ang kanilang mga kapistahan ay dapat doblehan sa buong Simbahan ay nakapaloob sa kaniyang pang-anim na aklat ng Decretal.cap. "Gloriosus", de relique. et vener. sanctorum, in Sexto, III, 22).
[1]
Sa Silanganing Simbahan, tatlong Doktor ang bantog, sina
San Juan Crisostomo
, San
Basilio ang Dakila
, at San
Gregorio Nacianceno
. Ginawang obligado ang kapistahan ng tatlong santo sa buong Silanganing Imperyo ni
Leo VI
. Kalaunan, pinag-isa ang kanilang mga kapistahan sa tuwing Enero 30, tinawag itong "kapistahan ng
tatlong Herarka
". Nakasulat sa Menaea ng araw na iyon, na di-umano'y nagpakita sa isang panaginip kay
Juan Mauropo
, Obispo ng
Euchaitae
ang tatlong Doktor na nag-atas sa kaniya na magtalaga ng kapistahan sa kanilang karangalan, upang mahinto ang tunggalian ng kanilang mga deboto at panegirista. Ito'y sa ilalim ni
Alexius Comnenus
(1081-1118; tingnan "Acta SS.", 14 Hunyo, sa ilalim ni San Basilio, c. xxxviii). Ngunit ang mga sermon ng kapistahan ay iniugnay kay
Cosmas Vestitor
, na namayagpag noong ika-sampung siglo. Ang tatlo'y karaniwang makikita sa Silanganing sining gaya ng apat sa Kanluraning sining. Ayon kay
Durandus
(i, 3), ipinapakita dapat ang tatlo na may tangan-tangang aklat sa kanilang mga kamay. Nahantong ang analohiyang ito sa kanluran upang pintuhuin ang apat na Silanganing Doktor, nadagdag sa tatlong herarka si
San Atanasio
.
[1]
Ang detalye ng titulong,
doktor ng simbahan
, ay nag-iiba mula sa iba't iba sa bawat partikular na simbahan.
Sa
Simbahang Latin
, ang apat na Latin na Doktor ay matagal nang kinikilala bago pa kilalanin noong 1568 ni
Papa Pio V
ang apat na Dakilang Doktor ng Silanganing Simbahan, sina
San Juan Crisostomo
, San
Basilio ang Dakila
, San
Gregorio Nacianceno
at
San Atanasio ng Alexandria
.
Kalaunan nadagdagan pa ang mga pangalang ito. Upang maidagdag dito, may tatlong kondisyon:
eminens doctrina
,
insignis vitae sanctitas
,
Ecclesiae declaratio
(i.e. kinikilala ang karunungan, mataas na antas ng kabanalan, at proklamasyon ng Simbahan). Ipinaliwanag ni
Benedicto XIV
na ang ikatlo ay ang deklarasyon ng
Santo Papa
o ng pangkalahatang konsilyo. Bagaman pinapurihan ng mga pangkalahatang konsilyo ang mga panulat ng ilang sa mga Doktor, wala pang iginawad na titulong Doktor ng Simbahan ang alinman sa mga konsilyo. Kasama sa proseso ang pagpapalawig sa simbahang pangkalahatan ang paggamit ng
Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon
at
Banal na Misa
ng santong gagawaran ng titulong doktor. Inilalabas ang dekreto ng
Kongregasyon para sa mga Kanonisasyon
at kinakatigan ng papa, matapos ang masusing pagsusuri, at kung kinakailangan, ang mga panulat ng santo.
Hindi ito pagpapasiyang
ex cathedra
, o katumbas ng deklarasyon na walang kamaliang makikita sa mga turo ng Doktor. Alam din naman ng nakararami na ang pinakamahusay sa kanila ay hindi masasabing walang pagkakamali. Walang
martir
ay kailanman ay napasama sa talaan dahil ang Tanggapan at ang Misa ay para sa mga
Kumpesor
. Kaya sa pagpapaliwanag ni Benedicto XIV, hindi tinatawag na Doktor ng Simbahan sina
San Ignacio ng Antioquia
, San
Ireneo
at San
Cipriano
.
Ang mga gawa ng mga Doktor ay malaki ang pinagkakaiba sa paksa at balangkas. Ang ilan, gaya ni Papa Gregorio I at Ambrosio ay mga prominenteng manunulat ng mga liham at maiikling tratado. Si
Catalina ng Siena
at
San Juan de la Cruz
ay nagsulat ng
teolohiyang mistikal
. Sina San Agustin at
Roberto Belarmino
ang nagtanggol sa Simbahan laban sa
erehiya
. Ang
Historia ecclesiastica gentis Anglorum
ni
San Beda
ay nagbibigay ng pinakamahusay na impormasyon hinggil sa
Inglatera
noong maagang Gitnang Panahon. Kasama sa mga sistematikong teologo ang mga eskolastikong pilosopong sina
Anselmo ng Canterbury
,
Albertus Magnus
,
Tomas de Aquino
.
Hanggang 1970, wala pang babaeng pinangalanang doktor ng simbahan, ngunit buhat noon may apat nang nairagdag na babae, sina Santa
Teresa ng Avila
(Sta. Teresa de Jesus) at
Catalina ng Siena
ni
Papa Pablo VI
;
Teresa ng Lisieux
[2]
(Sta. Teresita ng Batang si Hesus at ng Banal na Mukha), "ang Munting Bulaklak" ni
Papa Juan Pablo II
; at
Hildegard ng Bingen
ni
Benedicto XVI
. Sina Santa Teresa at Teresita ay kapwa
Carmelitas Descalzos
, habang si Sta. Catalina ay laikong Dominicana.