Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang isang
direktor sa pelikula
ay isang indibiduwal na nagbibigay direksyon sa paggawa ng
pelikula
. Kinokontrol ng isang direktor sa pelikula ang artistiko at dramatikong aspeto ng pelikula at isinasalarawan ang senaryo (o iskrip) habang ginagabayan ang teknikal na pangkat at
artista
sa pagganap ng bisyon o pagsasalarawan na iyon. May pangunahing ginagampanan ang direktor sa pagpili ng mga kasapi ng mga tauhan o
cast
, disenyo ng produksyon, at ang malikhaing aspeto ng paggawa ng pelikula.
[1]
Sa ilalim ng
batas
ng
Unyong Europeo
, tinitingnan ang direktor bilang may-akda ng pelikula.
[2]