Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Digmaang Prangko-Pruso
o
Digmaang Prangko-Aleman
, kadalasang tinutukoy sa Pransiya bilang ang
Digmaang 1870
[1]
(19 Hulyo 1870?10 Mayo 1871), ay ang labanan sa pagitan ng
Pransiya
at
Prusya
, habang tinutulungan ang Prusya ng Hilagang Konpederasyon ng Alemanya, kung saan kasapi ito, at ang mga estado sa Timog Alemanya: ang Baden, Wurttemberg at Bavaria. Ang ganap na pagkapanalo ng Prusya at Alemanya ang nagdulot ng huling
pag-iisa ng Alemanya
sa ilalim ng Haring Wilhelm I ng Prusya. Ito rin ang nagtadhana sa pagbagsak ni Napoleon III at ang pagtapos ng Ikalawang Imperyo ng Pransiya, na pinalitan ng Ikatlong Republika. Bilang isang bahagi ng kasunduan, kinuha ng Prusya ang halos lahat ng teritoryo ng
Alsace-Lorraine
bilang bahagi ng
Alemanya
, na nanatili hanggang sa pagtatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig
.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Kasaysayan
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.