한국   대만   중국   일본 
Dictionary of American English - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Dictionary of American English

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang A Dictionary of American English on Historical Principles (dinadaglat na DAE ) ay isang talahuluganan ng mga kataga na lumilitaw sa wikang Ingles sa Estados Unidos na inilathala ng University of Chicago Press na mayroong apat na mga tomo mula 1938 hanggang 1944. [1] [2] [3] Nilalayong ipagpatuloy nito kung saan nahinto ang Oxford English Dictionary , tinatalakay nito ang mga salita at mga parirala ng Ingles na Amerikano na ginagamit mula sa unang mga maliliit na mga pamayanang Ingles sa Amerikano magpahanggang sa simula ng ika-21 daantaon.

Kasaysayan [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Ang akda ay sinimulan ni William A. Craigie noong 1925. Ang unang tomo (bolyum) ay lumitaw noong 1936 sa ilalim ng pamamatnugot nina Craigie at James R. Hulbert , [4] isang propesor ng Ingles sa Pamantasan ng Chicago. Ang unang edisyong may apat na mga tomo ay nakumpleto sa tulong ni George Watson at Allen Walker Read .

Ang akda ay isa sa mga napagkunan para sa Dictionary of Americanisms , humigit-kumulang noong 1952, na inihanda sa ilalim ng pangangasiwa ni Mitford Mathews . Isang kahalintulad, ngunit hindi kaugnay na akdang moderno, na pinamagatang Dictionary of American Regional English , ay kasalukuyang tinitipon upang magpakita ng kaibahan sa mga diyalekto.

Mga tomo [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

I. A-Corn patch.
II. Corn pit-Honk.
III. Honk-Record.
IV. Recorder-Zu-zu, Bibliography (p. 2529-2552)

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. "Library of Congress LCCN Permalink for 39008203" . lccn.loc.gov . Nakuha noong Pebrero 14, 2010 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  2. John Davidson (Oktubre-Disyembre, 1940). "A Dictionary of American English on Historical Principles". The Sewanee Review . The Johns Hopkins University Press. 48 (4): 544?546. JSTOR   27535715 . {{ cite journal }} : Check date values in: |date= ( tulong )
  3. "Short Notices". The Review of English Studies . Oxford University Press. XIII (50): 221?222. 1962. doi : 10.1093/res/XIII.50.221 . {{ cite journal }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  4. University of Chicago Library, Special Collections Research Center, Guide to the James R. Hulbert Papers,1912?1936 [1]

PanitikanWikaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan , Wika at Estados Unidos ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.