Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Daang Samson
(
Ingles
:
Samson Road
) ay isang pangunahing kalye na dumadaan mula silangan pa-kanluran sa
Lungsod ng Kalookan
sa hilagang
Kalakhang Maynila
,
Pilipinas
. Ito ang karugtong ng
EDSA
, at naka-ugnay ito sa nasabing lansangan sa pamamagitan ng Rotonda ng Monumento upang makabuo ng isang deretsong ruta. Kapwa bahagi ng
Daang Palibot Blg. 4
(C-4) ng
sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan
ang EDSA at Daang Samson. May haba na 2.0 kilometro (1.2 milya) ang Daang Samson, na nagsisimula sa Monumento at nagtatapos sa sangandaan nito sa
Abenida Paterio Aquino
sa
Malabon
.
Ipinangalan ang kalye mula kay Apolonio Samson, isang tenyente pambaryo ng
Katipunan
na mula sa Sitio Kangkong, Baryo Balintawak, Kalookan (ngayon ay nasa
Lungsod Quezon
), na nakipaglaban kasama si
Andres Bonifacio
noong
Himagsikan ng 1896 (1896?1898)
.
[1]
[2]
14°39′26″N
120°58′38″E
/
14.65722°N 120.97722°E
/
14.65722; 120.97722