Daang Radyal Blg. 5
R-5
Mula itaas
: Bulebar Shaw pakanluran mula daang pang-ibabaw ng EDSA; Abenida Ortigas sa Barangay Rosario, Pasig; Manila East Road sa Cardona, Rizal
|
Hilagang dulo
:
Bulebar Magsaysay
sa Maynila
Katimugang dulo
:
Manila South Road
/
Pan-Philippine Highway
sa Calamba, Laguna
|
Ang
Daang Radyal Blg. 5
(
Ingles
:
Radial Road 5
), na mas-kilala bilang
R-5
, ay isang pinag-ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa ikalimang daang radyal ng
Maynila
sa
Pilipinas
.
[1]
Inu-ugnay nito ang Lungsod ng Maynila sa mga lungsod ng
Mandaluyong
at
Pasig
sa silangang
Kalakhang Maynila
, at palabas patungo sa mga lalawigan ng
Rizal
at
Laguna
sa silangan. Ito lamang ang daang radyal na dumadaan sa silangang baybayin ng
Laguna de Bay
.
Binubuo ng R-5 ang mga sumusunod na bahagi:
Sisimula ang R-5 bilang Kalye Victorino Mapa sa distrito ng
Santa Mesa
mula sa sangandaan nito sa
Bulebar Magsaysay
. Ito ang pangunahing daang hilaga-patimog ng Santa Mesa. Pagdating sa sangandaan nito sa Ekstensyon ng Kalye Victorino Mapa, tutuloy ang R-5 bilang Kalye Padre Sanchez.
Kilala ang R-5 bilang Kalye Padre Sanchez sa nalalabing ruta ng daang radyal sa loob ng Santa Mesa. Kinokonekta nito ang Santa Mesa sa
Mandaluyong
sa timog ng
Ilog San Juan
sa Kalye Heneral Kalentong. Galing ang pangalan nito kay Francisco de Paula Sanchez, isang paring
Heswita
mula sa
Ateneo Municipal de Manila
.
Ang pangunahing bahagi ng R-5 sa Mandaluyong at Pasig ay ang Bulebar Shaw. Tutumbukin ng Kalye Padre Sanchez ang Bulebar Shaw paglampas nito sa sangandaan nito sa Kalye Heneral Kalentong. Pupunta ito sa direksyong silangan-timog-silangan malapit sa hangganan ng Mandaluyong/
San Juan
at dadaan ito sa
Wack Wack Golf and Country Club
bago maabot nito ang sangandaan nito sa
Abenida Epifanio de los Santos
(EDSA). Sa silangan ng EDSA, nagsisilbing katimugang hangganan ng distritong pang-negosyo ng
Sentrong Ortigas
ang R-5 at papasok sa lungsod ng
Pasig
paglampas ng
Abenida San Miguel
. Dadaan ito sa
Capitol Commons
development site sa dating complex ng Kapitolyo ng Lalawigan ng Rizal complex bago ito liliko patimog sa Bulebar Pasig sa sangandaan nito sa Hillcrest Drive sa Baranggay Bagong Ilog.
Sa pagitan ng Bulebar Shaw at
Abenida Eulogio Rodriguez Jr.
(
C-5
), kilala ang R-5 bilang Bulebar Pasig. Tinatakda nito ang katimugang hangganan sa pagitan ng mga baranggay ng Kapitolyo at Bagong Ilog. Dadaan ito mula hilaga-patimog patungong
Ilog Pasig
bago ito liliko pasilangan sa tabi ng Rizal Medical Center patungong Abenida Eulogio Rodriguez Jr. (
C-5
).
Ang ligid ng lumang kabayanan ng Pasig (Malinao, atbp.) sa silangan ng Bagong Ilog mula sa Bulebar Pasig ay may maiksi at makipot na kaayusan ng mga kalye (
street layout
). Sa kadahilanang nito, susundan ng R-5 ang C-5 pahilaga at sa halip ay tutuloy ang silangang paglalakbay nito sa pamamagitan ng Abenida Ortigas patungong
Rizal
. Mula Baranggay Rosario, dadaan ang R-5 patungo sa mga bayan ng
Cainta
at
Taytay
at liliko patimog sa Taytay Diversion Road sa Sangandaang Tikling.
Sa pagitan ng Ekstensyon ng Abenida Ortigas at Manila East Road, kilala ang R-5 bilang Taytay Diversion Road. Dumadaan ito mula hilaga-patimog at babagtasin nito ang kabayanan ng Taytay (Baranggay Dolores) kung saan makikita ang
SM City Taytay
.
Kilala bilang Manila East Road ang R-5 sa nalalabing bahagi ng katimugang Rizal at
Laguna
. Dumadaan ito sa mga baybayin ng
Laguna de Bay
mula
Angono
sa Rizal hanggang
Pagsanjan
sa Laguna. Dadaan ito sa mga
kabundukan ng Sierra Madre
sa may hangganan ng Rizal at Laguna pagdaan nito. Mula Pagsanjan, ang bahagi ng Manila East Road (at R-5) pakanluran ay tinagurian ding Pambansang Lansangan ng Laguna (
Laguna National Highway
). Tatapos ang R-5 sa sangandaan nito sa Manila South Road sa
Calamba
, Laguna.