한국   대만   중국   일본 
Daang Radyal Blg. 1 - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Daang Radyal Blg. 1

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Daang Radyal Blg. 1
R-1
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Bulebar Roxas malapit sa Embahada ng Hapon sa Pasay sa gabi; Bulebar Roxas sa sangandaan nito sa Abenida Quirino sa Malate, Maynila; Tarangkahang Pambayad ng Las Pinas ng Manila?Cavite Expressway (CAVITEx); Karugtong ng CAVITEx patungong Kawit, tanaw mula sa Labasan ng Bacoor.
Hilagang dulo : Tulay ng Roxas sa Maynila
Katimugang dulo : Daang Governor sa Naic, Kabite

Ang Daang Radyal Bilang Isa ( Ingles : Radial Road 1 ), na mas-kilala bilang R-1 , ay isang pinag-ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa pinakaunang daang radyal ng Maynila sa Pilipinas . [1]  May haba itong 41.5 kilometro (o 25.8 milya), at kinokonektahan nito ang lungsod ng Maynila sa mga lungsod ng Pasay , Paranaque , at Las Pinas sa Kalakhang Maynila , at Bacoor , Imus , Kawit , Noveleta , General Trias , Tanza , at Naic lalawigan ng Cavite .

Ruta [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Binubuo ng mga sumusunod na bahagi ang Daang Radyal Blg. 1, mula hilaga patimog:

Daang Bonifacio ( Bonifacio Drive ) [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Mula sa hilagang dulo ng R-1 (sa may Tulay ng Roxas na dating Tulay ng Del Pan) hanggang sa sangandaan nito sa Abenida Padre Burgos sa Maynila , kilala bilang Daang Bonifacio ang R-1. Sineserbisyo nito ang mga distrito ng Intramuros at Port Area at tinutumbukan nito ang Bulebar Roxas sa Liwasang Rizal .

Bulebar Roxas ( Roxas Boulevard ) [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Bulebar Roxas mula sa himpapawid.

Nagiging Bulebar Roxas ang R-1 paglampas ng Abenida Padre Burgos. Ang bahaging ito ng R-1 sa Liwasang Rizal ay minarkahang Kilometro Sero (Km 0). Isa itong promenada sa harap ng Look ng Maynila na bumabagtas patungong Ermita , Malate sa lungsod ng Maynila, at sa mga lungsod ng Pasay at Paranaque . Tatapos ang Bulebar Roxas sa sangandaan nito sa Daang NAIA .

Manila?Cavite Expressway [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Sa pagitan ng Daang NAIA at Lansangang Antero Soriano sa Kawit , Cavite , kilala ang R-1 bilang Manila?Cavite Expressway (kilala din bilang Coastal Road o CAVITEx ). Ang nabanggit na mabilisang daanan ay nag-uugnay ng Paranaque sa Las Pinas at lumalabas ng Kalakhang Maynila patungong Bacoor at Kawit sa Cavite.

Lansangang Antero Soriano ( Antero Soriano Highway ) [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Lansangang Antero Soriano sa Noveleta.

Kilala ang R-1 bilang Lansangang Antero Soriano mula sa dulo ng CAVITEx sa Kawit hanggang sa sangandaan nito sa Governor's Drive sa Naic . Kinokonektahan nito ang mga lungsod at bayan ng Imus , Noveleta , at General Trias ng lalawigan ng Cavite.

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. "Metro Manila Infrastructure Development" (PDF) . University of the Philippines Diliman . Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2017-08-10 . Nakuha noong 12 Hulyo 2015 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )