한국   대만   중국   일본 
Daang Palibot Blg. 4 - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Daang Palibot Blg. 4

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Daang Palibot Blg. 4
C-4
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Daang C-4 sa Navotas; Abenida Samson; EDSA-Abenida Quezon (Diliman, Lungsod Quezon; EDSA-Kalye Orense (Guadalupe, Makati)
Hilagang dulo : Daang Marcos sa Navotas
Katimugang dulo : Bulebar Macapagal at Rotondang Globo ng SM Mall of Asia sa Pasay

Ang Daang Palibot Blg. 4 ( Ingles : Circumferential Road 4 ), o mas-kilala sa itinakda nitong numero na C-4 , ay ang ikaapat na daang palibot sa Kalakhang Maynila , Pilipinas . Dumadaan ito sa mga lungsod ng Navotas , Malabon , Kalookan , Lungsod Quezon , Mandaluyong , Makati , at Pasay .

Mga bahagi ng Daang Palibot Blg. 4 [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Daang C-4 [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Ay ang bahagi ng C-4 mula Daang Marcos ( R-10 ) hanggang Daang Letre.

Daang Letre [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Ay isang pangunahing daan ng Malabon na may anim na linya. Nagsisimula ito sa isang rotonda sa harap ng Malabon City Hall at nagtatapos sa mga hangganan ng Kalookan . Magiging bahagi ito ng C-4 pagbagtas nito ang Daang C-4. Kilala rin ito sa mga pangalang "Kalye Heneral San Miguel" at "Abenida Rizal" .

Daang Samson [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Paglampas ng mga hangganan ng Kalookan, magiging Daang Samson ang C-4. Isa itong pangunahing daan sa Kalookan na may anim hanggang walong linya. Kilala rin ito sa mga pangalang "Daang Caloocan" at "Abenida Monumento" .

Abenida Epifanio de los Santos [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Ang Abenida Epifanio de los Santos (o mas-kilala bilang EDSA) [1] ay isang lansangang may sampung linya na gumagamit ng mga palitan ( interchange ) at paghihiwalay ng mga linya ( grade separations ). Bumubuo ang EDSA sa malaking bahagi ng C-4. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Kalookan, Lungsod Quezon , Mandaluyong , Makati , at Pasay . Ang hilagang dulo nito ay Monumento, isang monumento para kay Andres Bonifacio sa Kalookan, at ang katimugang dulo nito ay sa isang rotonda ( roundabout ) malapit sa SM Mall of Asia sa Pasay. Itinayo ang lansangan noong panahon ng dating pangulong Manuel Quezon .

Mga sangandaan ng Daang C-4 (Navotas-Kalookan) [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Sangandaan Lokasyon Karagdagang detalye
Panulukan ng Lansangang F.E. Marcos North Port, Navotas Ay ang hilagang dulo ng Daang C-4. Papuntang Maynila ang nabanggit na lansangan.
Abenida Dagat-Dagatan Malabon Papuntang Daang C-3 ang nasabing abenida.
Krosing ng Linyang Kahel ng PNR Kalookan
Monumento Roundabout Kalookan Ang sangandaan ng Lansangang MacArthur (papuntang Valenzuela , Gitnang Luzon , at Pangasinan / La Union ), Abenida Rizal (papuntang Maynila), at EDSA, ang tagapag-patuloy ng C-4.

Para sa talaan ng mga sangandaan ng EDSA, pakitignan ang artikulong Abenida Epifanio de los Santos

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. "NCR Profile" . Republic of the Philippines:National Nutrition Council. Agosto 17, 2020 . Nakuha noong 9 Pebrero 2023 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )

Mga ugnay panlabas [ baguhin | baguhin ang wikitext ]