Daang Palibot Blg. 2
C-2
Mula itaas, kaliwa-pakanan:
Kalye Tayuman; Abenida Lacson; Panulukan ng Abenida Quirino at Kalye Jesus sa Pandacan; Abenida Quirino sa Malate.
|
Hilagang dulo
:
Daang Marcos
sa Tondo
Katimugang dulo
:
Bulebar Roxas
sa Malate
|
Ang
Daang Palibot Blg. 2
(
Ingles
:
Circumferential Road 2
, na itinakda bilang
C-2
) ay isang pinag-ugnay na mga daan na bumubuo sa ikalawang daang palibot ng
Sistemang Daang Arteryal ng Kamaynilaan
. Isa ito sa dalawang daang palibot na matatagpuan sa loob ng nasasakupan ng
Lungsod ng Maynila
, ang kabisera ng
Pilipinas
. Dumadaan ito sa mga distrito ng
Tondo
,
Sampaloc
,
San Miguel
/
Santa Mesa
,
Paco
,
Ermita
, at
Malate
.
Binubuo ito ng Kalye Capulong,
Kalye Tayuman
,
Abenida Lacson
, at
Abenida Quirino
.
Unang binuo ang pagpapasibol ng pangunahing sistemang pandaan sa Kamaynilaan sa
Metropolitan Thoroughfare Plan
ng 1945, na nagsabing lalawak nang husto ang kalakhang lungsod hanggang sa mga baybaying-lawa ng
Laguna de Bay
sa dekada-1940. Ipinanukala ng plano ang paglalatag ng anim na mga daang palibot (
circumferential roads
) at sampung daang radyal ('radial roads
).
[1]
Dahil umiiral na ang mga daan, ang ideya para sa ikalawang daang palibot (C-2) ay iugnay na lamang ang maigsing mga bahagi. Ang mga iuugnay ay
Calle Capulong
, Calle Tayuman, Calle Governor Forbes, Calle Nagtahan sa hilaga ng
Ilog Pasig
, at Calle Canonigo sa katimugang pampang ng nasabing ilog. Pina-ugnay ng
Tulay ng Nagtahan
? ang pinakamalapad na tulay na tumatawid sa nasabing ilog nang natapos ito noong 1963 hanggang sa itinayo ang
Tulay ng Guadalupe
noong dekada-1970 ? ang dalawang mga bahaging ito.
Ang mas-matandang mga daan ay buhat pa noong unang bahagi ng ika-19 na dantaon sa ilalim ng
pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas
. Ang pinakaunang bahagi,
Calle Canonigo
(kasalukuyang Karugtong ng Abenida Quirino) ay itinayo upang iugnay ang Plaza Dilao /
estasyong daangbakal ng Paco
sa Calle Isaac Peral (kasalukuyang
Abenida ng United Nations
).
[2]
Ang daang kahanay sa Canonigo na patungong Ilog Pasig ay isang makipot na karsadang tinawag na
Calle Luengo
sa Pandacan.
[3]
Isang mapa ng Maynila na gawa ng YMCA noong 1934 ay nagpapakita ng
Calle Tayuman
na nagsisimula sa Calle Sande (kasalukuyang Kalye Nicolas Zamora) / Kalye Juan Luna at nagtatapos malapit sa Hipodromo ng San Lazaro. Nag-uugnay naman ito sa
Calle Governor Forbes
(kasalukuyang Abenida Lacson) na umabot hanggang Calle Lealtad (kasalukuyang Kalye J. Fajardo). Nag-uugnay ang
Calle Nagtahan
sa Rotonda ng Santa Mesa hanggang sa Ilog Pasig. Sa dakong timog ng ilog, tanging Calle Canonigo lamang ang umiiral. Noong
panahong Komonwelt
, itinayo ang
Harrison Boulevard
(kasalukuyang Abenida Quirino) upang iugnay ang Calle Herran (kasalukuyang
Kalye Pedro Gil
) sa Dewey Boulevard (kasalukuyang
Bulebar Roxas
). Di nagtagal, idinugtong ang Calle Luengo sa Calle Herran.
Noong 2014, itinalaga ng
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
(DPWH) ang kabuoang daang palibot bilang
Pambansang Ruta Blg. 140
(
N140
) alinsunod sa bagong-lunsad na
sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas
.
Ay kilala rin bilang
C-2 Road
. Nagsisimula ito sa
Daang Marcos
at nagtatapos sa Kalye Juan Luna. Isa itong pangunahing lansangan ng distrito ng
Tondo
ng Maynila. Paglampas ng Juan Luna, tutuloy ito bilang Kalye Tayuman.
Ang Kalye Tayuman ay isang pangunahing daanan ng mga distrito ng Tondo at
Santa Cruz
. Mayroon itong apat na linya na nagsisimula sa Kalye Juan Luna at nagtatapos sa sangandaan ng Abenida Lacson at Kalye Consuelo.
Ay nagsisimula sa sangandaan ng Kalye Tayuman/Consuelo at nagtatapos sa
Tulay ng Mabini
.
Ay ang pangunahing bahagi ng C-2 na nag-uugnay ng Abenida Lacson (sa pamamagitan ng Tulay ng Mabini) sa
Bulebar Roxas
.
[4]
Dumadaan ito sa mga distrito ng
Paco
,
Pandacan
, at
Malate
ng Maynila.
[5]
[6]
[7]
Ang dating Bulebar Nagtahan ay isa nang bahagi ng Abenida Quirino.