Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Krusipiho
, 1287-1288, panel, 448 x 390 sm
Basilica di Santa Croce
, Florencia.
Si
Cimabue
, (
c.
1240
-
c.
1302
), ay isang pintor ng sining mula sa
Florencia, Italya
noong
Panahong Medyibal
.
Ceni di Peppi
ang tunay niyang pangalan. Ngunit kilala rin siya bilang
Cenni di Pepo Giovanni Cimabue
,
Giovannie Cimabue
,
Bencivieni di Pepo
, at bilang
Benvenuto di Giuseppe
sa makabagong
wikang Italyano
. Nagpinta siya ng malalaking mga
ikono
sa estilong
Bisantino
, at ang unang dakilang magpipinta sa lungsod ng Florencia. Kabilang sa mga natitiyak na gawang ng tagapagpintang ito ang
mosaiko
ng
Si Kristo sa Mahestiya
sa loob ng
Katedral ng Pisa
at dalawang napakalaking nasirang mga
presko
sa loob ng Simbahan ng San Francisco sa Asisi.
Pinaniniwalaang pinakatanyang na pinta ni Cimabue ang "Madona ng Santa Trinita", na isang piyesang pangdambana na ginawa para sa Simbahan ng
Banal na Katatluhan
, isang akdang kasalukuyang nasa Tanghalang
Uffizi
sa Florencia. Pinaniniwalaan ring nagpinta siya ng dalawang malaking krusipihong nakasabit sa Simbahan ni San Dominiko sa
Arezzo
at sa Simbahan ng Banal na Krus (sa
Santa Croce, Florencia
). Nasira ang krusipiho ng Santa Croce dahil sa isang baha at kasalukuyang nasa loob ng museo ng simbahan.
Nagsulat ang
mananalambuhay
na si
Giorgio Vasari
ng ukol sa buhay ni Cimabue, makaraan ang 250 mga taon mula noong mamamatay ito. Kabilang sa naisulat ang hinggil sa isang araw na paglalakad ni Cimabue sa isang kanayunan, nakakita ito ng isang batang pastol na umuukit ng larawan ng isang tupa sa ibabaw ng isang bato. Napakagaling ng pagkakaguhit ng larawan kaya't pinuntahan ni Cimabue ang ama ng bata upang magmakaawang maisama niya ang batang lalaki upang maging kanyang estudyante, at nang maturuang magpinta. Si
Giotto
ang batang ito, na naging isang napakabantog na magpipinta at itinuturing bilang pinakaunang pinto ng Italyanong
Renasimiyento
.
- Giorgio Vasari,
Lives of the Artists
, (1568), edisyon ng 1965, isinalin ni George Bull, Penguin,
ISBN 0-14-044164-6
- Frederick Hartt,
A History of Italian Renaissance Art
, (1970) Thames at Hudson,
ISBN 0-500-23136-2
- Helen Gardner,
Art through the Ages
, (1970) Harcourt, Brace at World, ISBN 155037628
- Ilan Rachum,
The Renaissance, an Illustrated Encyclopedia
, (1979) Octopus,
ISBN 0-7064-0857-8
- Luciano Berti,
Florence: the city and its art
, (1971) Scala, ISBN (hindi alam)
- Luciano Berti,
The Ufizzi
, (1971) Scala, Florencia. ISBN (hindi alam)