한국   대만   중국   일본 
Charles Bell - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Charles Bell

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan ang Charles Bell (paglilinaw) .
Para sa ibang gamit, tingnan ang Batas ni Bell (paglilinaw) .
Charles Bell
Kapanganakan 12 Nobyembre 1774 [1]
  • (City of Edinburgh, Eskosya)
Kamatayan 28 Abril 1842 [2]
  • (Worcester, Worcestershire, West Midlands, Inglatera)
Mamamayan United Kingdom of Great Britain and Ireland
Nagtapos University of Edinburgh
Trabaho anatomista, [1] siruhano, [1] manunulat, manggagamot, propesor ng unibersidad, pilosopo, pintor

Si Gat o Ginoong Charles Bell (ipinanganak noong Nobyembre, 1774, sa Doun ng Monteath, Edinburgh - namatay noong 28 Abril 1842 [3] sa North Hallow, Worcestershire ) ay isang Eskoses na anatomo , maninistis , pisyologo , at teologo ng likas na teolohiya. Siya ang mas nakababatang kapatid na lalaki ni John Bell (1763-1820) na isa ring kilalang siruhano at manunulat .

Kay Charles Bell ipinangalan ang karamdamang pasma ni Bell o pamamanhid ni Bell , isang uri ng pamamanhid ng mukha , sapagkat siya ang unang nakapaglarawan ng kalagayang ito. Tanyag din si Bell dahil sa kanyang Batas ni Bell (kilala rin bilang Batas Bell-Magendie ) na naglalarawan sag dalawang uri ng mga nerbyos (nerb) o "ugat" ng gulugod : na ang pangharap o anteryor na mga ugat ay mga ugat-panggalaw o mga "ugat na nagpapagalaw" ng masel ng katawan (mga motor neuron , parang " motor " o makinang nagpapaandar), samantalang mga pandama o sensoryo ( sensory neuron ) naman ang mga panlikod o posteryor na mga "ugat". [3]

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. 1.0 1.1 1.2 https://cs.isabart.org/person/139013 ; hinango: 1 Abril 2021.
  2. http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb13474499p ; hinango: 10 Oktubre 2015.
  3. 3.0 3.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Charles Bell (1774-1842), mula sa Bell's Palsy , Bell's Law ". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge . WM. H. Wise & Company (New York). {{ cite ensiklopedya }} : CS1 maint: date auto-translated ( link ) , pahina 92.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.