- Para sa ibang gamit, tingnan ang
Ceres (paglilinaw)
.
Ang
Ceres
o
Seres
(binibigkas na
/?siriz/
, Latin
Cer?s
)
[6]
ay isang
planetang unano
na matatagpuan sa
Sinturon ng asteroyd
sa pagitan ng mga ligiran ng
Marte
at
Hupiter
.
[7]
Ang opisyal na designasyon nito ay
1 Ceres
, ngunit hindi na sinusulat ang panaklong kapag pinag-uusapan ang mga asteroyd at, hindi na isinusulat minsan. Ito ay unang natuklasan noong 1 Enero 1801, ni
Giuseppe Piazzi
sa Palermo Astronomical Observatory sa pulo ng
Sicilia
sa Italya, at inihayag ito bilang bagong planeta. Kalaunan ay inuri ito bilang isang planetang unano, ang tanging planetang unano na siyang umiikot sa loob ng ligiran ng
Neptuno
.
Ang Ceres ay may diametro na 952 km. Ito ang pinakamalaking asteroyd sa Sinturon ng asteroyd na naglalaman ng kakatlo (
one third
) ng buong
timbang
o
masa
ng sinturon. Ito ay may
maliwanag na kalakhan
na sumasaklaw mula 6.7 hanggang 9.3, na siyang dahilan kung bakit masyado itong madilim kapag titignan gamit ang mata lamang.
Kanan pakaliwa:
4 Vesta
, 1 Ceres, at ang
Buwan
ng Daigdig.
Aksidente lamang ang pagkakatuklas sa Ceres. Hinanahap ni Piazzi sa panahong iyon ang isang
bituin
na nilista ni
Francis Wollaston
bilang Mayer 87 dahil hindi ito nakalagay sa zodiac catalogue ni Mayer sa posisyong ibinigay (napag-alaman pagkaraan na nagkamali si Wollaston &mdash ang bituin ay
Lacaille 87
hindi Mayer 87). Sa halip, nakatuklas si Piazzi ng gumagalaw na mala-bituing bagay at unang inakala nito na isang
kometa
.
[8]
Inobserbahan ni Piazzi ang Ceres ng 24 na beses, ang huling beses ay noong Pebrero 11 nang nagkasakit siya. Noong 24 Enero 1801, ipinahayag ni Piazzi ang kanyang natuklasan sa pamamagitan ng mga sulat sa kanyang kasamahang astronomo, isa rito ang kanyang kababayang si
Barnaba Orani
ng
Milan
. Inuulat niya ito bilang kometa ngunit "yayamang ang kanyang paggalaw ay masyadong mabagal at pare-pareho, iniisip ko na ng ilang ulit na mas magaling ito kaysa sa isang kometa".
[9]
Noong Pebrero ang Ceres ay nawala habang pumalayo sa likod ng Araw. Noong
Abril
, ipinadala ni Piazzi ang kompletong obserbasyon kina Oriani,
Bode
at
Lalande
sa
Paris
. Inilimbag ang mga ito sa
Setyembre
1801 isyu ng
Monatlice Corespandes
.
Para marekober ang
asteroyd
, bumuo si
Carl Friedrich Gauss
, na noon ay 24 na taong gulang pa lamang, ng paraan ng pagtukoy sa orbit ng Ceres mula sa tatlong obserbasyon. Sa loob lamang ng ilang linggo, kanyang nahulaan ang dinadaanan ng Ceres, at ipinadala ang kanyang resulta kay
Franz Xavier, Baron von Zach
, ang editor ng
Monatlice Corespandes
. Noong 31 Disyembre 1801, hindi nagkakamaling, kinumpirma nina von Zach at
Heinrich W. M. Olbers
ang pagkarekober ng Ceres.
Pinaniniwalaan ni
Johann Elert Bode
na ang Ceres ang "nawawalang planeta" na tinuos ni
Johann Daniel Titus
na nasa pagitan ng
Mars
at
Jupiter
, na may layong 419 milyong kilometro (2.8 A.U.) mula sa
Araw
. Tinakda ang Ceres ng simbolong pamplaneta (
,
,
,
), at nanatiling nakalista bilang isang planeta sa mga aklat at mga talaan pang-
astronomiya
(kasama ng
2 Pallas
,
3 Juno
at
4 Vesta
) ng kalahating dantaon hanggang nakatuklas ng iba pang asteroid.
[10]
Ngunit napag-alamang ang Ceres ay masyadong maliit, hindi nagpapakita ng
disc
, kaya binuo ni William Herschel ang katawagang "asteroyd" (mala-bituin) para mailarawan ito.
Unang tinawag ang Ceres na
Ceres Ferdinadea
halaw sa pangalan ng katauhan sa mitolohiya na si
Ceres
(
diyosa ng mga Romano
para sa halaman at pag-ibig ng isang ina) at kay
Haring Fernando III ng Sicilia
(
Ferdinand III of Sicily
; kilala din bilang Fernando IV ng Naples [
Ferdinand IV of Naples
] at Fernando I ng Dalawang Sicilia [
Ferdinand I of Two Scicilies
]). Tumira si Haring Ferdinand sa
Palermo
noong panahon na iyon habang sinasakop ng
Pransiya
ang
Kaharian ng Naples
noong 1798. Hindi matanggap ang bahaging "Ferdinandea" sa ibang bansa at tinangal. Tinawag din na
Hera
ang Ceres ng maiksing panahon sa
Alemanya
.
Ang anyong
pang-uri
ng panglan ay maaring
Cererian
o
Cererine
. Ginagamit din ang mga anyong
Cerian
at
Cerean
sa panitikan.
larawan ng Ceres na kuha ng
Hubble Space Telescope
noong 2003/4 na may
resolution
na mga km. Hindi matukoy kung ano ang maliwanag na bahagi.
[11]
Ang 1 Ceres ang pinakamalaking
asteroyd
sa
sinturon ng asteroyd
, na nasa pagitan ng
Mars
at
Jupiter
. Ngunit, hindi ito ang pinakamalaking bagay bukod sa mga
planeta
sa
sistemang solar
: napag-alaman din na naglalaman ang
Kuiper Belt
ng malalaking bagay, kagaya ng
50000 Quaoar
,
90482 Orcus
,
2003 UB
313
at maari rin ang
90377 Sedna
.
Sa ilang punto ng orbit nito, makakarating ang 1 Ceres ng magtitude na 7.0. Ito ay masyadong malabo para makita ng mata ng tao ng walang kagamitan. Ngunit, sa ilalim ng napakagandang kondisyon sa pagmamasid, maaring makita ang asteroyd ng isang taong may matalas na mata. Makikita rin sa ganitong kondisyon ang
4 Vesta
.
Katangi-tangi ang 1 Ceres sa mga asteroyd dahil sa laki at bigat nito ay sapat upang mabigyan nito ng pabilog na hugis: yan ay, isang
gravitationally relaxed equilibium spheroid
, o
planetary body
. Ang isa pang kilalang
gravitationally relaxed asteroid
ay ang
4 Vesta
. Ang iba pang malalaking asteroyd tulad ng
2 Pallas
at
3 Juno
ay kilalang hindi pabilog, ngunit ang
10 Hygea
, ayon sa
lightcurve analysis
, ay bilog-haba kahit na lumalabas na pabilog sa mga larawang may mababang
resolution
(maaring dulot ng anggulo ng pagmamasid).
May bigat na 9.5 × 10
20
kg, ang 1 Ceres ay kakatlo sa tinatayang buong bigat na 3.0±0.2 × 10
21
kg ng lahat ng asteroyd sa sistemang solar
[12]
(ngunit ang buong bigat ay 4% lamang ng bigat o
mass
ng
Buwan
).
Paghahambing sa laki: ang unang 10 asteroyd laban sa
Buwan
ng Daigdig. Ang Ceres ay nasa kaliwang dulo.
May mga palatandaan na ang
surface
ng Ceres ay may katamtamang init at mayroong mahinang himpapawid o
atmosphere
at
frost
. Tinatayang ang pinakamainit na temperatura ay 235
K
(mga 38 °
C
) noong 5 Mayo 1991.
[5]
Kung isasaisip ang
heliocentric distance
sa panahong iyon, tinatatayang aabutin ang pinakamaiit na temperatura na ~239 K sa
perehilion
.
Minumungkahi ng isang pag-aaral na pinagunahan ni Peter Thomas ng
Cornell University
na ang Ceres ay may
defferentiated interior
o mga
layer
: minumungkahi ng mga obserbasyon kasama ng mga
computer model
ang pagkakaroon nito ng isang mabatong
core
na napapalibutan ng mayelong
mantle
. Ang mantle na ito ay may kapal mula 120 hanggang 60 km na naglalaman ng 200 milyon kilometero kubiko ng tubig, mas marami sa kabubuang tubig tabang sa Daigdig.
[1]
[13]
Mayroong mga pag-aalinlangan tungkol sa
surface
ng Ceres. Ipinapakita ng mga
low resulotion
ultraviolet
na larawan na kuha ng
Hubble Space Telescope
noong 1995 na may isang maidilim na pook sa
surface
nito at pinalayawan ng "Piazzi" para sa dangal ng nakatuklas sa Ceres. Inakalang isa itong
crater
. Walang palantadaan naman ng "Piazzi" ang mga sumunod na larawang may mas mataas na
resolution
na nakuha sa loob ng buong
rotation
o pag-ikot ng asteroid gamit ang
Keck telescope
na gumagamit ng
adaptive optics
. Ngunit, may dalawang madilim na bahagi ang nakikitang gumagalaw sa pag-ikot ng asteroyd, ang isa nito ay may gitnag rehiyon na maliwanag. Ito ay maaring mga
crater
. Nagpapakita naman ang mga mas bagong
visible light
na larawan ng buong pag-ikot na kuha ng Hubble Space Telescope noong 2003 at 2004 ng isang maliwanag na pook, hindi pa nalalaman kung ano ang katangian nito.
[14]
Ang mga madidilim na pook na nakita sa Keck, ay hindi madaling mapansin sa mga bagong larawan.
Natukoy sa mga huling obserbasyon na ang hilang polo ng Ceres ay nakuturo (dagdadgan o kulangan ng mga 5°) sa direksiyon ng
right ascension
19 h 24 min,
declination
+59°, sa
constellation
ng
Draco
. Nangangahulugan na napakaliit ang
axial tilt
ng Ceres (mga 4±5°).
[1]
Modelo ng Ceres batay sa mga larawang kuha ng
Hubble Space Telescope
mula 2003 at 2004
Matagal na pinaniwalaang ang Ceres ang
parent body
o pinagmulan ng "
Ceres
asteroid family
" ("pamilya ng asteroyd"). Sa ngayon, hindi na inagamit ang pangkat na iyon dahil natuklasang ang Ceres ay isang
interloper
sa "sarili nitong family" and hindi pisikal na konektado. Malaking bahagi ng pangkat ng asteroyd na ito ay tinatawag ngayong
Gefion family
.
Ilan sa mga kilalang obserbasyon sa Ceres ang mga sumusunod:
Napagmasdan ang isang
occultation
ng
bituin
ng Ceres sa
Mexico
,
Florida
, at sa buong
Caribbean
noong 13 Nobyembre 1984.
Ilang katangian ng
surface
ng Ceres ay nakunan sa pamamagitan ng teleskopyo nang ilang beses sa nagdaang taon. Kasama dito ang mga sumusunod:
Ginamit ang mga
radar signal
mula sa isang
spacecraft
na naka-orbit sa
Mars
at mula sa
surface
nito upang mataya ang bigat o
mass
ng Ceres mula sa maliit na
perturbation
dito dulot ng galaw ng Mars.
[12]
Sa ngayon, wala pang
space probe
ang bumisita sa Ceres. Ngunit, ang
Dawn
mission
ng
NASA
ang magiging unang spacecraft na mag-aaral sa Ceres. Una, bibisitahin ng probe na ito ang ikalawang pinakamaking asteroyd, ang Vesta, nang mga anim na buwan sa 2010, bago makarating sa Ceres sa 2014 o 2015.
- Ang elementong kimikal na
Cerium
(bilang atomiko 58) ay natuklasan noong 1803 nina
Berzelius
at
Klaproth
nang hiwalay. Ipinangalan ni Berzelius ang elemento sunod sa asteroyd.
- Natuklasan ni
William Hyde Wollaston
ang
palladium
noong 1802 at unang pinangalanang
Ceresium
. Nang inilathala niya ang kanyang natuklasan noong 1805, nagamit na pala ang pangalan (ni Berzelius) at pinalitan nito ng palladium na isinunod sa
2 Pallas
.
- Sa nobela ni
Joe Haldeman
na
The Long Habit Living
(1989; pamagat sa Britanya;
Buying Time
ang pamagat sa Estados Unidos), ang Ceres ang tahanan ng isang pamayanang walang estado, na naging mahalagi dahit sa isang lihim proyektong nagsasaliksik sa pag-iimbetong muli ng
Stileman
rejuvenation
process
.
- Sa
PC role-playing game
na
Countdown to Doomsday
(1990), ang Ceres ang kinaroroonan ng isang abandonang RAM
research base
.
- Sa PC game na
Star Control II
(1992), ang pagwasak ng Ceres Station ng mananakop na Ur-Quan fleet ang naghuhudyat nang pagkatalo ng sangkatauhan, at kasunod ng pagkaalipin nito.
- Sa larong
Super Nintendo
na
Super Metroid
(1994), sa
Ceres Space Colony
dinala ni
Samus Aran
ang huling
Metroid
na bagong pisa mula sa
SR-388
.
- Sa pelikulang
The American Astronaut
(2001), mayroong bar ang Ceres at may tinanghal na
dance contest
dito.
- Sa mga kuwentong "
Known Space
" ni Larry Niven, may pamahalaan
asteroid belt
na nakabase sa Ceres.
Stationary, retrograde
|
Opposition
|
Layo mula sa
Earth (AU)
|
Pinakamataas na liwanag
(
Maximum brightness
) (mag)
|
Stationary, prograde
|
Conjunction sa araw
|
21 Marso 2005
|
8 Mayo 2005
|
1.68631
|
7.0
|
30 Hunyo 2005
|
28 Disyembre 2005
|
26 Hunyo 2006
|
12 Agosto 2006
|
1.98278
|
7.6
|
27 Nobyembre 2006
|
22 Marso 2007
|
20 Setyembre 2007
|
9 Nobyembre 2007
|
1.83690
|
7.2
|
1 Enero 2008
|
28 Hunyo 2008
|
17 Enero 2009
|
24 Pebrero 2009
|
1.58526
|
6.9
|
16 Abril 2009
|
31 Oktubre 2009
|
28 Abril 2010
|
18 Hunyo 2010
|
1.81988
|
7.0
|
9 Agosto 2010
|
30 Enero 2011
|
31 Hulyo 2011
|
16 Setyembre 2011
|
1.99211
|
7.7
|
12 Nobyembre 2011
|
26 Abril 2012
|
30 Oktubre 2012
|
17 Disyembre 2012
|
1.68842
|
6.7
|
4 Pebrero 2013
|
17 Agosto 2013
|
1 Marso 2014
|
15 Abril 2014
|
1.63294
|
7.0
|
7 Hunyo 2014
|
10 Disyembre 2014
|
6 Hunyo 2015
|
25 Hulyo 2015
|
1.94252
|
7.5
|
16 Setyembre 2015
|
3 Marso 2016
|
1 Setyembre 2016
|
20 Oktubre 2016
|
1.90844
|
7.4
|
15 Disyembre 2016
|
5 Hunyo 2017
|
21 Disyembre 2017
|
31 Enero 2018
|
1.59531
|
8.8
|
20 Marso 2018
|
7 Oktubre 2018
|
9 Abril 2019
|
29 Mayo 2019
|
1.74756
|
7.0
|
20 Hulyo 2019
|
14 Enero 2020
|
13 Hulyo 2020
|
28 Agosto 2020
|
1.99916
|
7.7
|
23 Oktubre 2020
|
7 Abril 2021
|
- ↑
1.0
1.1
1.2
1.3
P. C. Thomas et al
Differentiation of the asteroid Ceres as revealed by its shape
, Nature, Vol. 437, pp. 224 (2005).
- ↑
"Archive copy"
(PDF)
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
(PDF)
noong 2008-10-31
. Nakuha noong
2006-10-01
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: archived copy as title (
link
) CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
D. T. Britt et al
Asteroid density, porosity, and structure
, pp. 488 in
Asteroids III
, University of Arizona Press (2002).
- ↑
"Archive copy"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2006-06-23
. Nakuha noong
2006-10-01
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: archived copy as title (
link
) CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
5.0
5.1
O. Saint-Pe
Ceres surface properties by high-resolution imaging from earth
, Icarus, vol. 105 pp. 271 (1993).
- ↑
"Ceres"
.
Lexico
UK English Dictionary
(sa wikang Ingles).
Oxford University Press
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 7 Hunyo 2020
. Nakuha noong
2 Mayo
2023
.
{{
cite ensiklopedya
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"What is a Dwarf Planet?"
.
NASA Jet Propulsion Laboratory (JPL)
(sa wikang Ingles). 22 Abril 2015
. Nakuha noong
19 Enero
2022
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Ceres: Keeping Well-Guarded Secrets for 215 Years"
.
NASA Jet Propulsion Laboratory (JPL)
(sa wikang Ingles). 26 Enero 2016
. Nakuha noong
2 Mayo
2023
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
[1]
- ↑
"Archive copy"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2006-05-20
. Nakuha noong
2006-10-01
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: archived copy as title (
link
) CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
http://www.astronomy.com/asy/default.aspx?c=a&id=3478
- ↑
12.0
12.1
E. V. Pitjeva,
High-Precision Ephemerides of Planets?EPM and Determination of Some Astronomical Constants
Naka-arkibo
2008-10-31 sa
Wayback Machine
., Solar System Resarch, Vol. 39 pp. 176 (2005).
- ↑
http://space.com/scienceastronomy/050907_ceres_planet.html
- ↑
http://hubblesite.org/newscenter/newsdesk/archive/releases/2005/27/
- ↑
http://www.swri.org/press/ceres.htm
- ↑
J. W. Parker et al
Analysis of the first disk-resolved images of Ceres from ultraviolet observations with the Hubble Space Telescope
, The Astronomical Journal, Vol. 123 pp. 549 (2002).
- ↑
"Archive copy"
.
Inarkibo
mula sa orihinal noong 2005-12-04
. Nakuha noong
2005-12-04
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: archived copy as title (
link
) CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Hubble Space Telescope
news archive
2005-09-07
.