한국   대만   중국   일본 
Carol Higgins Clark - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Carol Higgins Clark

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Carol Higgins Clark
Kapanganakan 1956
Lungsod ng Bagong York , Bagong York , Estados Unidos
Trabaho Nobelista
Kaurian Misteryo

Si Carol Higgins Clark (ipinanganak noong 1956) ay isang Amerikanang may-akda ng misteryo at aktres sa telebisyon, teatro, at pelikula. [1] Siya rin ang anak na babae ng kanyang kasamang manunulat ng mga kuwentong makapigil-hininga ( suspense writer sa Ingles) na si Mary Higgins Clark , at nakapagsulat ng ilang mga nobela habang katambal sa gawaing ito ang kanyang ina.

Ipinanganak sa Lungsod ng Bagong York , natanggap ni Clark ang kanyang B.A. mula sa Dalubhasaan ng Bundok Holyoke ( Mount Holyoke College ) [1] noong 1978, nag-aral ng pag-arte sa Beverly Hills Playhouse . Siya ang may-akda ng mga seryeng misteryoso na Regan Reilly . Gumanap din siya sa ilang mga pelikula, katulad ng pantelebisyong A Cry in the Night at mga pagtatanghal sa teatro. [1]

Noong 11 Oktubre 2006, natamaan ng isang maliit na eruplano ang kanyang gusaling pang-apartamentong The Belaire . Minamaneho ng pitser o tagahagis ng bola ng New York Yankees na si Cory Lidle . Nasa ibaba lamang ng sona ng pagtama ang kanyang ika-38 palapag na kondominyum .

Lumitaw si Clark sa palabas na palarong To Tell The Truth .

Mga nobela [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  • 1992 Decked [1]
  • 1993 Snagged
  • 1995 Iced
  • 1998 Twanged
  • 2001 Fleeced
  • 2002 Jinxed [1]
  • 2003 Popped
  • 2005 Burned
  • 2006 Hitched
  • 2007 Laced
  • 2008 Zapped
  • 2009 Cursed

Katulong sa pagsulat ang kanyang ina

  • Deck the Halls
  • He Sees You When You're Sleeping [1]
  • The Christmas Thief
  • Santa Cruise
  • Dashing Through the Snow

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Mga kawing panlabas [ baguhin | baguhin ang wikitext ]