Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang larawan ng mga bungo ng tao, na kinuhanan ng litrato ni
Mutter Erde
.
Ang
bungo
ay isang pangkat ng mga
buto
na bumubuo sa
ulo
ng isang
bertebrado
at nagpapanatili sa kinalalagyan ng lahat ng mga bahagi ng katawang nasa ulo. Dahil sa matitigas nitong mga buto, napapanatiling ligtas at nakasanggalang ang
utak
. Nasa loob ng bungo ang mga bulsa ng hangin tinatawag na mga sinus (hiwa o uka), na naglilingkod bilang mga sapin o kutson para sa utak. Kapag mayroong pananakit o hapdi ng ulo, karaniwang napupuno ito ng pluwido dahil sa mga
alerhiya
. Kung minsan tumutukoy rin ang bungo sa
ulo
ng kalansay.
[1]
Itinuturing din ito bilang "luklukan ng talino".
[1]
Sa
tao
, karaniwang binubuo ang bungo ng nasa gulang na tao ng 28 mga buto. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga
kranyato
o
kranyata
ang mga hayop na mayroong bungo.
[1]
Ginagamit ding sagisag ang bungo ng
lason
o
kamatayan
kapag ginamit na kasama ng pinagtiyap o pinagkrus na mahahabang mga buto.
Nahahati sa dalawang pangunahing bahagi ang bungo: ang
bao ng ulo
o
kranyo
at ang
pang-ibabang panga
. Kapag walang panga, tinatawag lamang ang bungo bilang
bao ng ulo
o
kranyo
.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Anatomiya
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.