Ang
Bulebar Roxas
[A]
, o higit na kilala bilang
Roxas Boulevard
(dating tinagurian bilang
Bulebar Dewey
o
Dewey Boulevard
), ay isang kilalang pasyalan (
promenade
) sa
Maynila
, ang kabisera ng
Pilipinas
. Dumadaan ito sa mga dalampasigan ng
Look ng Maynila
. Kilala ito sa mga paglubog ng araw (
sunsets
) nito at hanay ng mga
punong niyog
. Naging tatak ng
turismong Pilipino
ang bulebar na kilala rin sa mga lugar tulad ng
Manila Yacht Club
, mga otel, restoran, gusaling pangkomersyo, at liwasan.
Ang bulebar ay isa ring mahalagang daang arteryal sa
Kalakhang Maynila
na may walong landas. Dumadaan ang paarkong daan sa direksyong hilaga-patimog mula
Luneta
sa Maynila hanggang Paranaque sa sangandaan nito sa
Daang NAIA
at
NAIA Expressway
.
[5]
Paglampas ng katimugang dulo nito, tutuloy ang Bulebar Roxas patungong
Las Pinas
at
Kabite
bilang
Manila?Cavite Expressway
, na kilala rin bilang
Coastal Road
o
CAVITEX
. Tinaguriang isa sa mga pinakamahalagang lansangan sa Kalakhang Maynila ang Bulebar Roxas.
Dati itong tinawag na
Cavite Boulevard
,
[6]
at lumaon ay pinangalanang
Dewey Boulevard
bilang pagkilala sa Amerikanong Admiral na si
George Dewey
, na sa ilalim ng kanyang utos ay natalo ang Hubkong Dagat ng mga Kastila sa
Labanan sa Look ng Maynila
noong 1898. Ang bulebar ay muling pinangalang
Heiwa Boulevard
noong huling bahagi ng 1941 sa ilalim ng
panahon ng pananakop ng mga Hapon
, at
Roxas Boulevard
noong dekada-60 bilang pagkilala kay Pangulong
Manuel Roxas
, ang ikalimang
pangulo
ng Republika ng Pilipinas.
City Beautiful movement (
Kilusang Pagpapaganda ng Lungsod
)
[
baguhin
|
baguhin ang wikitext
]
Ang Cavite Boulevard ay bahagi ng plano ni Arkitekto
Daniel Burnham
na pagandahin ang lungsod ng Maynila.
[7]
Sa kahilingan ni
Commissioner
William Cameron Forbes
, dinalaw ni Burnham ang bansa noong 1905 sa kasagsagan ng
City Beautiful movement
, isang pagkahilig noong unang bahagi ng 1900 sa Amerika na pagandahin ang mga lungsod, upang pagandahin ang at isaayos ang pagpaplanong urban ng Maynila at
Baguio
.
[8]
Noong madaling-araw ng Hunyo 23, 2019, bumigay ang isang bahagi ng daang serbisyo (
service road
) ng Bulebar Roxas dahil sa pagdaan ng isang
14-wheeler
na trak na may dalamg tone-toneladang buhangin na gagamitin sa proyektong pagsasaayos ng Look ng Maynila. Ayon sa drayber, buhat sila ng
Pampanga
at dumaraan sila sa bulebar upang ihatid ang buhangin, ngunit tinuruan sila ng mga nagpapatupad ng trapiko na dumaan sa daang serbisyo sapagkat nakasara ang lansangan upang mabigyang-daan sa
Manila Marathon 2019
. Lumikha ang pagbigay ng limang-talampakang butas sa daan kaya pansamantalang isinara sa trapiko ang panulukan ng bulebar sa Kalye Remedios. Hindi lubhang nasugatan ang drayber at kaniyang dalawang mga pahinante. Napag-alamang bumigay ang
kahong alkantarilya
(
box culvert
) na mula pa noong dekada-1970 dahil sa bigat ng trak, kung kaya bumigay ang bahaging iyon ng daang serbisyo, taliwas sa naunang paglalarawan na isa itong
sinkhole
. Inatasan ni Kalihim
Mark Villar
ng DPWH ang Tanggapang Inhinyero ng Distrito ng Timog Maynila upang magsagawa ng isang imbestigasyon ukol sa naganap na sakuna. Aabot sa isa o dalawang linggo ang haba ng panahon ng pagpapaayos sa bumigay na bahagi ng lansangan, ayon sa DPWH.
[9]
[10]
Nagsisimula ang Bulebar Roxas sa
Liwasang Rizal
bilang pisikal na karugtong ng
Daang Bonifacio
. Dumadaan ito sa maraming mga matataas na gusali, restoran, bangko, bantayog, at iba pang mga establisimiyento. Makikita rin ang tanggapan ng
Embahada ng Estados Unidos
sa lugar na ito. Matatagpuan sa distrito ng Malate ang punong-tanggapan ng
Bangko Sentral ng Pilipinas
(BSP) at Philippine Navy. Pagkaraan ng gusali ng BSP, papasok sa
Pasay
ang bulebar at dadaan sa
Hugnayan ng CCP
at
Star City
. Babagtasin naman nito ang
Abenida Gil Puyat
, kung saang aakyat ito sa Gil Puyat
flyover
. Magiging kalinya nito ang
Bulebar Diosdado Macapagal
. Aakyat muli ito upang matumbok ang
EDSA
gamit ang
flyover
ng kaparehong pangalan. Ilang metro pagkaraan ng EDSA, papasok ito sa
Paranaque
at tutuloy sa deretsong ruta hanggang sa isang bagtasan sa
NAIA Expressway
, kung saang tutuloy ang bulebar bilang
Manila?Cavite Expressway
(CAVITEx) na tinatawag ding
Coastal Road
.
Sa ilalim ng sistema ng daang arteryal ng Kalakhang Maynila, ang Bulebar Roxas ay isang bahagi ng
Radial Road 1
(
R-1
) na nag-uugnay ng pusod ng Maynila sa mga lungsod ng
Pasay
at
Paranaque
.
Alinsunod sa makabagong pamilang batay sa
sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas
, ang bahaging EDSA-Daang NAIA/CAVITEx ay itinakda bilang isang pambansang daang primera na may bilang ng ruta na
Pambansang Ruta Blg. 61
(
N61
). Samantala, ang nalalabing bahagi ng bulebar - ang karamihang bahagi nito mula Abenida Padre Burgos hanggang EDSA, ay isang bahagi ng pambansang daang sekundarya na
Pambansang Ruta Blg. 120
(
N120
).
[11]
Nakabilang ang mga sangandaan ayon sa mga palatandaang kilometro, itinakda ang
Liwasang Rizal
bilang
kilometro sero
. Hindi tuluy-tuloy ang pagbibilang ng kilometro.
- ↑
1.0
1.1
"South Manila"
.
DPWH Road Atlas
.
Department of Public Works and Highways
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2015-12-22
. Nakuha noong
12 Disyembre
2015
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Metro Manila 2nd"
.
DPWH Road Atlas
.
Department of Public Works and Highways
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2016-03-06
. Nakuha noong
2017-02-11
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Manila map"
. University of Texas at Austin Library. Retrieved on 2011-06-05.
- ↑
"Rizal Park-Manila Map"
. Google Maps. Retrieved on 2011-06-05.
- ↑
"Intersection of Roxas Blvd. and NAIA Rd"
.
Google Maps
. Nakuha noong
5 Hunyo
2011
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"United States Congressional serial set, Issue 5280 - Act no. 1745, Section 2a"
, pg. 417. Government Printing Office, Washington.
- ↑
(1910).
"Report of the Philippine Commission to the Secretary of War"
, pg.68. Government Printing Office, Washington.
- ↑
(1907-03).
"Far Eastern Review - Details and Description of the Burnham Plans for the Reconstruction of Manila"
, pg.322. Google Books. Retrieved on 2012-04-13.
- ↑
Edera, Erma; De Vera-Ruiz, Ellalyn (Hunyo 23, 2019).
"No sinkhole on Roxas Boulevard ? officials"
.
Manila Bulletin
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong Hunyo 27, 2019
. Nakuha noong
Hunyo 28,
2019
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Unite, Betheena (Hunyo 26, 2019).
"Repair of collapsed road on Roxas Blvd. to start in 1 to 2 weeks ? DPWH"
.
Manila Bulletin
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong Hunyo 28, 2019
. Nakuha noong
Hunyo 29,
2019
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"South Manila"
.
Department of Public Works and Highways
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2018-07-09
. Nakuha noong
26 Agosto
2018
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Metro Manila 2nd"
.
DPWH Road Atlas
.
Department of Public Works and Highways
.
|
---|
Mga lungsod:
| | |
---|
Mga lalawigan:
| |
---|
Mga tanawing dadaanan:
| |
---|