Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Burdeos
(Pranses at Inggles:
Bordeaux
; Gascon:
Bordeu
) ay isang daungang-lungsod sa Ilog
Garona
sa timog-kanlurang
Pransiya
, na may tinatayang populasyon (2008) na 250,082. Ang kalakhang Burdeos-Archachon-Libourne ay may populasyon na 1.0 milyon at bumubuo ng ika-6 na pinakamataong kalakhan sa Pransiya. Ito ang kabisera ng rehiyon ng
Aquitania
, at gayun din ang punong-bayan ng lalawigan ng
Gironda
. Ang mga mamamayan nito ay tinagurian mga
Bordelais
.
Ang Burdeos ay pinakatanyag na kabisera ng industriya ng alak sa daigdig. Dito ginaganap ang pangunahing kumbensiyon ng mga mag-aalak, ang
Vinexpo
,
[1]
habang ang ekonomiya ng alak sa kabayanan nito ay kumikita ng 14.5 bilyong
euro
bawat taon.
[2]
Ang alak ng Burdeos ay tinitimpla na sa rehiyong ito noon pang ika-8 siglo. Ang makasaysayang bahagi ng lungsod ay nasa
UNESCO
World Heritage List
bilang "bukod-tanging koleksiyon ng urbanidad at arkitektura" mula sa ika-18 siglo.
- ↑
"Archive copy"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2008-11-14
. Nakuha noong
2011-07-05
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: archived copy as title (
link
) CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Portage salarial a Bordeaux et communaute urbaine". Ventoris.fr. Retrieved 2011-06-02.
Ang lathalaing ito ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.