Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga
Bolshebik
(Ingles: mga
Bolshevik
) o
Bolshebista
(Ruso: большевики, na nagiging большевик kapag isahan; bigkas sa wikang Ruso: [b?l????v?ik], na hinango sa
bol'shinstvo
, ang "mayoridad" o ang "nakakarami") ay isang paksiyon ng
Marksistang
Rusyanong Sosyal na Demokratikong Manggagawang Partido
(
Russian Social Democratic Labour Party
) o RSDLP na nawalay mula sa paksiyong
Menshebik
sa
Ikalawang Partidong Kongreso
noong 1903.
Ang mga Bolshebik ang
mayoridad
na paksiyon sa isang mahalagang boto, kaya eto ang pangalan nito. Sila ay naging
Partidong Komunista ng Unyong Sobyet
. Ang mga Bolshebik ay umakyat sa kapangyarihan noong yugto ng Oktubreng Rebolusyon nang
Rebolusyong Rusyano noong 1917
at nagtatag ng
Rusyanong Sobyet na Pederatibong Sosyalistang Republika
na kalaunan noong 1922 ay naging pangunahing konstituente ng
Unyong Sobyet
.
Ang Bolshebik na itinatag ni
Vladimir Lenin
ay noong 1905 isang masang organisasyon na pangunahing binubuo ng mga manggagawa sa ilalim ng demokratikong panloob na hierarka na pinangangasiwaan ng prinsipyo ng
demokratikong sentralismo
na tumuring sa kanilang mga sariling mga pinuno ng rebolusyonaryong manggagawang klase ng
Rusya
. Ang kanilang mga paniniwala at pagsasanay ay karaniwang tinutukoy na Bolshebismo. Ang rebolusyonaryong pinunong si
Leon Trotsky
ay karaniwang gumagamit ng mga terminong "Bolshebismo" at "Bolshebista" pagkatapos ng kanyang
pagkakatapon
mula sa Unyong Sobyet upang ibukod sa kanyang nakita na tunay na
Leninismo
at ang
rehimen
sa loob ng estado at sa
partidong
lumitaw sa ilalim ni
Joseph Stalin
.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Tao
,
Unyong Sobyetiko
at
Kasaysayan
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.