한국   대만   중국   일본 
Bjørnstjerne Bjørnson - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Bjørnstjerne Bjørnson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bjørnstjerne Bjørnson
Kapanganakan 8 Disyembre 1832 [1]
  • (Tynset Municipality, Innlandet, Noruwega)
Kamatayan 26 Abril 1910 [1]
Libingan Var Frelsers gravlund [2]
Mamamayan Noruwega
Nagtapos Unibersidad ng Oslo
Trabaho makata, [3] mandudula, [3] manunulat, [3] mamamahayag, prosista, politiko
Asawa Karoline Bjørnson (11 Setyembre 1858?26 Abril 1910) [4]
Anak Bergliot Ibsen
Bjørn Bjørnson
Erling Bjørnson
Magulang
  • Peder Bjørnson
Pirma

Si Bjørnstjerne Martinius Bjørnson (8 Disyembre 1832 ? 26 Abril 1910 [5] ), binabaybay ding Bjornstjerne Martinus Bjornson , [5] ay isang Iskandinabyano [5] at Noruwegong manunulat ng maiikling mga kuwento , nobelista , mandudula , direktor ng tanghalan , dramatista , [5] at laureata para sa Gantimpalang Nobel sa Panitikan ng 1903. Itinuturing siya bilang isa sa "Ang Dakilang Apat" na mga manunulat na Noruwego; sina Henrik Ibsen , Jonas Lie , at Alexander Kielland ang iba pa. [6] Ipinagdiriwang si Bjørnson dahil sa kanyang mga liriko para sa Pambansang Awit ng Noruwegang " Ja, vi elsker dette landet ". [7]

Talambuhay [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Ipinanganak si Bjørnson sa Kvikne , sa Bulubundukin ng Dovre , ng Noruwega. Anak na lalaki siya ng pastor ng nayon . Pagkaraan ng anim na taon, lumipat ang mag-anak niya papunta sa Naesset (o Nesset ) na nasa kanlurang dalampasigan ng Noruwega. [5]

Edukasyon [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Nag-aral siya sa paaralan ng balarila sa Molde . Pagkalipas nito, pumasok siya sa Pamantasan ng Christiana , kung saan siya nagsimulang magsulat ng mga berso at mga artikulo para sa pahayagan . [5]

Sa panitikan [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Sa Upsala niya napag-alamang may "tawag" siya para sa larangan ng panitikan, noong 1856. Noong 1857, naisulat niya ang kanyang unang obra maestra , ang Synnøve Solbakken (o Synnove Solbakken ), habang nasa Copenhagen . Nasundan ito ng Arne noong 1858, isang kuwentong naglunsad ng baong panahon sa panitikang Noruwego , at naging dahilan din kanyang isa sa mga nangungunang Noruwegong mga manunulat sa kanyang panahon. [5]

Noong 1887, ipinalabas ni Bjørnson ang dramang " The King " ("Ang Hari") na nagkaroon ng epektong pampolitika sa Noruwega, sapagkat isa itong pag-atake sa pinuno ng Noruwega at Sweden , at naging sanhi ng pagtanggap kay Bjørnson bilang pinuno ng bagong kilusang ito ng bawat isang Noruwegong nagnanais na maging isang nagsasariling bansa ang Noruwega. [5]

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb12031523b ; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. http://www.begravdeioslo.no/maler/grav/grave_id/12290 ; hinango: 27 Oktubre 2017.
  3. 3.0 3.1 3.2 https://cs.isabart.org/person/80084 ; hinango: 1 Abril 2021.
  4. https://nbl.snl.no/Bj%C3%B8rnstjerne_Bj%C3%B8rnson .
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 5.6 5.7 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "Bjornstjerne Bjornson". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction . WM. H. Wise & Company (New York). , pahina 274.
  6. Grøndahl, Carl Henrik; Tjomsland, Nina (1978). The Literary masters of Norway: with samples of their works . Tanum-Norli. ISBN   9788251807272 . SBN. {{ cite book }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  7. Beyer, Edvard & Moi, Bernt Morten (2007). "Bjørnstjerne Martinius Bjørnson" . Store norske leksikon (sa wikang Noruwego). Oslo: Kunnskapsforlaget . Nakuha noong 2009-09-09 . {{ cite ensiklopedya }} : CS1 maint: date auto-translated ( link ) CS1 maint: multiple names: mga may-akda ( link )


TalambuhayNoruwegaPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay , Noruwega at Panitikan ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.