Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sa
heograpiyang
politikal
at pandaigdigang politika, ang isang
bansa
(mula sa
Sanskrito:
???
[van?a]) ay isang pagkakahating pampolitika ng isang entidad pang-heograpiya, isang
soberanyang
sakop
, na mas karaniwang kumakabit sa mga kaisipang
estado
o nasyon at
pamahalaan
. Ang pormal na pagkikilala bilang estado ay nangangailangan ng pagganap ng teoriyang konstitutibo ng pagka-estado, na nangangilangan ng isang estado ng pagkilala mula sa ibang mga estado na, mula sa iyon, ay kinikilala rin ng ibang mga lehitimong estado, upang maging isang estado.
Nagmula ang salitang
bansa
sa
Sanskrito:
???
/???.???/ o /va??a/ na ang ibig-sabihin ay lahi, saling-lahi, kaangkanan.
Sa karaniwang paggamit, ang salitang bansa ay malawak na ginagamit sa diwa ng pagiging nasyon at estado, na may iba't ibang kahulugan. Sa ilang mga kaso tumutukoy ito sa mga estado at sa ibang mga pampolitikang entidad,
[1]
[2]
[3]
ngunit sa ilang mga panahon tumutukoy lamang ito sa mga estado
[4]
Itinuturing na karaniwan para sa mga lathalaing tungkol sa pangkalahatang impormasyon o estadistika na angkinin ang mas malawak na kahulugan para sa layong maglarawan o maghambing.
[5]
[6]
[7]
[8]
[9]
Maraming mga entidad na nagbubuo ng isang heograpiking entidad na may kohesyon, kung saan ilan ay dating estado, ngunit sa ngayon ay hindi estadong suberano (tulad ng
Inglatera
,
Eskosya
at
Gales
), ay karaniwang tinutukoy bilang mga bansa. Ang antas ng
pagsasarili
ng gayung mga bansa ay malawak na nag-iiba. May ilang sinasakupan ng mga estado, sapagka't maraming mga estado ay may mga
teritoryong umaasa
(tulad ng
Kapuluang Birhen ng Britanya
, ang
Netherlands Antilles
at
Samoang Amerikano
), na may teritoryo at mamamayang magkaiba sa kanilang mga sarili. Ang ganung mga teritoryong umaasa ay minsang nakatala sabay ng mga malayang estado sa tala ng mga bansa.