Ang
Australya
(
Ingles
:
Australia
), opisyal na
Sampamahalaan ng Australya
, ay bansang binubuo ng
Sahul
, kapuluang
Tasmanya
, at iilang maliliit na isla. Sumasaklaw ng lawak na 7,741,220 km
2
, ito ang pinakamalaking bansa sa
Oseanya
. ang populasyon nito sa halos 50 milyon, kung saan lubos na urbanisado at nakakonsentra ito sa silangang babayin. Hinahangganan ang bansa ng
Katimugang Karagatan
sa timog,
Karagatang Indiko
sa hilaga't kanluran, at
Karagatang Pasipiko
sa silangan. Bilang karagdagan, nakikibahagi ito ng limitasyong maritimo sa
Silangang Timor
,
Indonesya
, at Papua Nueva Guinea sa timog, at Bagong Silandiya, sa New Zealand,
Kapuluang Solomon
, at Bagong Caledonia sa silangan. Ang kabisera nito ay
Canberra
, habang ang pinakamataong lungsod at sentrong pinansiyal nito'y
Sidney
.
Sa loob ng di-bababa sa 40,000 taon bago ang unang pananahan ng
mga Ingles
sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ang Australia ay pinaninirahan ng
mga katutubong Awstralyano
, na nagsasalita ng mga wikang nakapangkat sa humigit-kumulang 250 grupo ng mga lengguwahe. Matapos matuklasan ng mga Europeo ang kontinente sa pamamagitan ng mga manlalayag na
Olandes
noong 1606, ang silangang bahagi ng Australia ay inangkin ng Gran Britanya noong 1770 at nang simula'y naging tapunan ng mga bilanggo sa kolonya ng
New South Wales
mula 26 Enero 1788. Lumaki ang populasyon nang sumunod na mga dekada; ang kontinente ay ginalugad at naitatag ang karagdagang limang nagsasariling
Crown Colonies
.
Noong 1 Enero 1901, naging isang pederasyon ang anim na kolonya, na ngayo'y tinatawag na Komonwelt ng Australya. Mula noong Pederasyon, napanatili ng Australya ang isang matatag na sistemang pulitikal na demokratikong liberal, na kumikilos bilang isang demokrasyang parlamentaryong pederal at monarkiyang konstitusyonal, na binubuo ng anim na estado at ilang mga teritoryo. Ang populasyon na 23.6 na milyon ay higit na urbanisado at nakatuon sa mga silangang estado at sa baybayin.
Ang Australia ay isang
maunlad na bansa
at isa sa mga pinakamayaman sa mundo, dahil sa ekonomiya nitong ika-12 sa pinakamalaki. Noong 2012 ang Australia ang may ikalimang pinakamataas na kita bawat tao sa buong mundo, at ang gastos-militar ng Australia ang ika-13 pinamakamalaki sa mundo. Dahil taglay nito ang ikalawang pinakamataas na pandaigdigang indise ng kaunlaran ng tao (
human development index
), mataas ang nagiging ranggo ng Australia sa mga pandaigdigang paghahambing ng pambansang paggawa (
national performance
), katulad ng kalidad ng buhay, kalusugan, edukasyon, kalayaang pang-ekonomiya, at proteksiyon ng mga kalayaang sibil at mga karapatang pulitikal. Ang Australia ay kasapi ng
Mga Nagkakaisang Bansa
,
G20
, Komonwelt ng mga Bansa, ANZUS, Organisasyon para sa Pagtutulungang Ekonomiko at Pag-unlad (
Organisation for Economic Co-operation and Development
o
OECD
),
Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan
(
World Trade Organization
o WTO),
Kooperasyong Ekonomiko sa Asya-Pasipiko
(
Asia-Pacific Economic Cooperation
o APEC), at ng
Pacific Islands Forum
.
Binibigkas bilang [??st?æ?lj?, -li?] sa Ingles Australiano, ang pangalang Australia ay nagmula sa salitang Latin na
australis
, na nangangahulugang "katimugan." Tinutukoy din ang bansa sa wikang kolokyal bilang Oz mula noong simula ng ika-20 dantaon. Ang
Aussie
ay isang karaniwang salitang balbal para sa "Australiano." Sa kapitbahayang
New Zealand
, at bibihira naman sa Australia mismo, ang pangngalang "Aussie" ay ginagamit din upang tukuyin ang bansa, isang pagbubukod na tawag mula sa mga naninirahan dito. Ang awit-pampalakasan na
C'mon Aussie C'mon
ay isang halimbawa ng lokal na gamit ng Aussie bilang kasingkahulugan ng Australia.
Ang mga alamat tungkol sa
Terra Australis Incognita
?isang "di-kilalang kalupaan sa Timog"?ay nag-umpisa mula pa noong panahon ng mga Romano at naging isang karaniwang bagay sa heograpiya ng Kalagitnaang Panahon, bagaman at hindi ito batay sa anumang nasusulat na kaalaman hinggil sa kontinente. Matapos ang pagkakatuklas ng mga Europeo, ang pangalan para sa kalupaang Australian ay malimit na nagiging batayan ng sikat na
Terra Australis.
Ang pinakaunang naitalang paggamit ng salitang Australia ay noong 1625 sa “Isang tala ng Australia del Espiritu Santo, isinulat ni Ginoong Richard Hakluyt,” (
A note of Australia del Espiritu Santo, written by Sir Richard Hakluyt
) inilathala ni Samuel Purchas sa
Hakluytus Posthumus
, isang korupsiyon ng orihinal na pangalang Espanyol na "Tierra Austral del Espiritu Santo" (Katimugang Lupain ng Espiritu Santo) para sa pulo ng
Vanuatu
. Ang pang-uring Olandes na salitang
Australische
ay ginamit sa isang aklat na Olandes sa
Batavia
(
Jakarta
) noong 1638, upang tumukoy sa bagong tuklas na mga lupain sa timog. Ginamit sa ibang pagkakataon ang
Australia
noong 1693 sa isang salin ng
Les Aventures de Jacques Sadeur dans la Decouverte et le Voyage de la Terre Australe
, isang nobelang Pranses noong 1676 ni Gabriel de Foigny, sa ilalim ng sagisag-panulat na Jacques Sadeur. Upang tumukoy sa buong rehiyon ng Timog Pasipiko, ginamit ito ni Alexander Dalrymple sa Isang Makasaysayang Paglilikom ng mga Paglalakbay at mga Natuklasan sa Timog Karagatang Pasipiko (
An Historical Collection of Voyages and Discoveries in the South Pacific Ocean
) noong 1771. Sa pagtatapos ng ika-18 siglo, ang katawagan ay ginamit upang partikular na tukuyin ang mismong bansa, na isinulat naman ng mga botanistang sina George Shaw at Ginoong James Smith ang tungkol sa “malawak na pulo, o manapa’y kontinente, ng Australia, Australasia, o
New Holland
” sa kanilang dokumento noong 1793 na Soolohiya at Botanika ng New Holland (
Zoology and Botany of New Holland
), at si James Wilson naman na isinama ito sa isang talangguhit noong 1799.
Ang pangalang Australia ay pinasikat ng manlalakbay na si Matthew Flinders, na nagtulak dito upang pormal itong pagtibayin simula 1804. Sa dokumento ni Robert Brown na Pangkalahatang puna, heograprikal at sistematikal, hinggil sa botanika ng Terra Australis (
General remarks, geographical and systematical, on the botany of Terra Australis
), ginamit ni Brown ang salitang pang-uri na
Australian
sa kabuuan ? ang unang nalalamang gamit ng pormang iyon. Sa kabila ng popular na kabatiran, ang aklat ay hindi nakatulong sa pag-angkin ng pangalan: ang pangalan ay unti-unting tinanggap higit sampung taon pa ang dumaan.
Ang unang beses na ang pangalang Australia ay lumitaw upang opisyal na gamitin ay sa isang pagsugo kay Lord Bathurst ng 04 Abril 1817 kung saan kinilala ni Gobernador Lachlan Macquarie ang pagtanggap sa mga talangguhit ng Australia ni Kapitan Flinders. Noong 12 Disyembre 1817, itinagubilin ni Macquarie sa Tanggapang Kolonyal na pormal itong kilalanin. Noong 1824, sumang-ayon ang Kaalmirantehan (
Admiralty
) na ang kontinente’y dapat opisyal na kilalanin bilang
Australia
.
Mapa ng mga estado at teritoryo ng Australia
ANG Australia ay may anim na mga estado ?
New South Wales
(NSW),
Queensland
(QLD),
South Australia
(SA),
Tasmania
(TAS),
Victoria
(VIC) and
Western Australia
(WA) ? at tatlong pangunahing mga teritoryo? ang
Australian Capital Territory
(ACT), the
Northern Territory
(NT), at ang
Jervis Bay Territory
(JBT). Sa karamihan ng mga respto, ang ACT at NT ay gumagangap bilang mga estado maliban nang ang Parliyamento ng Commonwealth ay may kapangyarihang magbago o magbaliktad ng anumang batas na ipinasa mga parliyamento ng isang teritoryo.
[5]
Sa ilalim ng
Saligang Batas ng Australia
, ang mga estado ay may mga plenaryong kapangyarihan na gumawa ng mga batas]] sa anumang nasasakupan samantalang ang Parliamento ng Pederal na Komonwelt ay gumagawa lamang ng batas sa saklaw ng mga nasasakupang lugar sa ilalim ng
Seksiyong 51 ng Saligang Batas ng Australia
. Halimbawa, ang mga parliamento ng isang estado ay may kapangyrihang magpasa ng batas na nauukol sa edukasyon, batas kriminal, kapulisan ng estado, kalusugan, transportasyon, at lokal na pamahalaan ngunit ang Parliamento ng Komonwelt ay walang spesipikong kapanyariha na magpasa ng batas sa mga isyung ito.
[6]
Gayumpaman, ang mga batas ng Komonwelt ay maaaring manaig sa mga batas ng estado kung ito ay sasalungat.
[7]
Ang bawat estado ng Australia at mga pangunahing teritoryo ay may sarili nitong Parliamento?
unikameral
sa Northern Territory, the ACT at Queensland, and bikameral sa iba pang estado. Ang mga estado ay mga
soberanyang
entidad bagaman napapasailalim ng ilang mga kapangyrihan na gaya ng isinasaad sa
Saligang Batas ng Australia
. Ang mga mababang kapulungan ay tinatawag na
Kapulungan ng Asemblea
sa South Australia at Tasmania; ang mga mataas na kapulungan ay tinatawag na
Konsehong Lehislatibo
. Ang pinuno ng pamahalaan sa bawat estado ay ang
Premier
at ang sa bawat teritoryo ay
Pangunahing Ministro
. Ang
Hari ng Inglatera
ay kinakatawan ng bawat estado sa pamamagitan ng isang Gobernador at sa Northern Territory ay ng Administrador. the upper houses are known as the
Legislative Council
.
[8]
Sa Komonwelt, ang kinatawan ng Reyna ng Inglatera ay ang
Gobernador-Heneral ng Australia
.
[9]
Diretsang pinangangasiwaan ng Parliamento ng Komonwelt ang mga panlabas ng teritoryo ng
Ashmore and Cartier Islands
,
Christmas Island
, the
Cocos (Keeling) Islands
, at
Coral Sea Islands
,
Heard Island and McDonald Islands
, at ang
inaangking rehiyon
ng
Teritoryong Austrlianong Antarktiko
gayundin ang panloob na
Jervis Bay Territory
isang baseng pandagt at daungang pandagat para pambansang kapital sa lupain ng dating bahagi ng New South Wales.
[
kailangan ng sanggunian
]
Ang panlas ng teritory ng
Norfolk Island
ay nakaraang nagsasanay ng malaking
autonomiya
sa ilalim ng
Norfolk Island Act 1979
sa pamamagitan ng sarili ng nitong Asembleyang Lehislatibo at isang talaan ng mga administrador na kumakatawan sa Reyna ng Inglatera.
[10]
Noong 2015, binuwag ng Parliamento ng Komonwelt ang pangangasiwa sa sarili at nagpapasok saNorfolk Island sa mga sistema ng pagbubuwis at
welfare
ng Austrlia at nagpalit sa asembleyang lehislatibo nito sa isang konseho.
[11]
Ang
Macquarie Island
ay bahagi ng Tasmania,
[12]
at ang
Lord Howe Island
ay bahagi ng New South Wales.
[13]
Pangalan
|
Postal abbreviation
|
Kabisera
|
Populasyon
|
Lawak (km
2
)
|
Bilang ng upuan sa
Kapulungan
|
Bilang ng mga upuan sa
Senado
|
Lehislatura
|
Gobernador
|
Premier
|
New South Wales
|
NSW
|
Sydney
|
8,189,300
|
809,952
|
47
|
12
|
Parliament
|
Margaret Beazley
|
Dominic Perrottet
(
Lib
)
|
Victoria
|
VIC
|
Melbourne
|
6,649,200
|
237,657
|
38
|
12
|
Parliament
|
Linda Dessau
|
Daniel Andrews
(
ALP
)
|
Queensland
|
QLD
|
Brisbane
|
5,221,200
|
1,851,736
|
30
|
12
|
Parliament
|
Jeannette Young
|
Annastacia Palaszczuk
(
ALP
)
|
Western Australia
|
WA
|
Perth
|
2,681,600
|
2,642,753
|
16
|
12
|
Parliament
|
Kim Beazley
|
Mark McGowan
(
ALP
)
|
South Australia
|
SA
|
Adelaide
|
1,773,200
|
1,044,353
|
10
|
12
|
Parliament
|
Frances Adamson
|
Peter Malinauskas
(
ALP
)
|
Tasmania
|
TAS
|
Hobart
|
541,500
|
90,758
|
5
|
12
|
Parliament
|
Barbara Baker
|
Peter Gutwein
(
Lib
)
|
Pangalan
|
Postal abbreviation
|
Uri
|
Kabisera/Pinakamalaking populasyon
|
Populasyoon
|
Lawak (km
2
)
|
Bilang ng upuan ng Kapulungan ng Australia
|
Bilang ng upuan sa Senado ng Australia
|
Lehislatura
|
Administrador
|
Pangunahing Ministor
/Akalde
|
Australian Capital Territory
|
ACT
|
Panloob na teritoryo
|
Canberra
|
432,300
|
2,358
|
3
|
2
|
Asembleyang Lehislatibo
|
?
|
Andrew Barr
(
ALP
)
|
Northern Territory
|
NT
|
Panloob na teritoryo
|
Darwin
|
246,300
|
1,419,630
|
2
|
2
|
Parliamento
|
Vicki O'Halloran
|
Michael Gunner
(
ALP
)
|
Christmas Island
|
CX
|
Panlabas na teritoryo
|
Flying Fish Cove
|
1,938
|
135
|
Sa ilalim ng
Lingiari
|
Sa ilalim ng
NT
|
?
|
Natasha Griggs
|
Gordon Thomson
|
Norfolk Island
|
NF
|
Panlabas ng teritoryo
|
Kingston
|
1,758
|
35
|
Sa ilalim ng
Bean
|
Sa ilalim ng
ACT
|
?
|
Eric Hutchinson
|
Robin Adams
|
Cocos (Keeling) Islands
|
CC
|
Panlabas na teritoryo
|
West Island
|
547
|
14
|
Sa ilalim ng
Lingiari
|
Sa ilalim ng
NT
|
?
|
Natasha Griggs
|
Seri Wati Iku
|
Jervis Bay Territory
|
JBT
|
Panloob na teritoryo
|
Jervis Bay Village
|
405
|
67
|
Sa ilalim ng
Fenner
|
Sa ilalim ng
ACT
|
?
|
?
|
?
|
Australian Antarctic Territory
|
AQ
|
Panlabas ng teritoryo
|
?
|
0
|
5,896,500
|
?
|
?
|
?
|
?
|
?
|
Coral Sea Islands
|
?
|
Panlabas ng teritoryo
|
?
|
0
|
780,000
|
?
|
?
|
?
|
?
|
?
|
Heard Island and McDonald Islands
|
HM
|
Panlabas ng teritoryo
|
?
|
0
|
372
|
?
|
?
|
?
|
?
|
?
|
Ashmore and Cartier Islands
|
?
|
Panlabas na teritoryo
|
?
|
0
|
199
|
?
|
?
|
?
|
?
|
?
|
Relihiyon sa Australia (2016)
[14]
Walang isinaad (9.7%)
Ang Australia ay isang
kulturang indibidwalistiko
na isang uri ng ng
kultura
na ang pagpapahalaga ay nasa isang
indibidwal
o sarili kesa sa isang
grupo
. Ang mga kulturang indidbidwal ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya,
autonomiya
(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga Australiano ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang Australia ay isang uri ng
may mababang pagitan ng kapangyarihan
(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga Australiano ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.
|
---|
Mga estado
| | |
---|
Mga teritoryong panloob
| |
---|
Mga teritoryong panlabas
| |
---|
May kaugnay na midya tungkol sa
Australia
ang Wikimedia Commons.