Ang
Araw ng mga Puso
(
Ingles
:
Valentine’s Day
) ay ang pagdiriwang ng kapistahan ni
San Balentino
na ginaganap tuwing
Pebrero 14
. Dito ipinapahiwatig ng mga
magkakasintahan
, mga
mag-asawa
at mga
pamilya
ang kanilang
pag-ibig
sa isa't isa at nagpapadala ng mga
bulaklak
,
kard
at
donasyon
, kadalasan hindi sinasabi ang
pangalan
. Si San Balentino, ayon sa
Katolisismo
, ang siyang patron ng mga magkasintahan.
Galing ang Araw ng mga Puso sa
paganong
pagdiriwang
na Lupercalia
[1]
, kung saan nagsasayawan at nag-iinuman ng alak ang mga tao. Noong taong
496
, iniutos ni
Santo Papa
Gelasius I
na gawing Kristiyanong
ritwal
ang mga paganong pagdiriwang kaya't binigyan ito ng bagong pangalan, ang
Valentine's Day
, bilang pagpupugay sa patron nito, si San Valentin.
Tatlong San Valentin ang nabuhay noong panahong iyon. Ang mga ito ay:
Ipinagbawal noon ni Emperador
Claudius II
na magpakasal ang mga
sundalo
ng
Roma
dahil nakapaghihina daw ito sa mga
sundalo
na lumalaban sa
digmaan
. Ngunit, lihim na nagkasal pa rin si San Valentin ng mga magkakasintahan. Dahil dito, ipinapatay siya noong
270
.
[2]
Itinuturing na isa sa pinagsimulan ng mga
kartang pambati
ang kapistahan ng Araw ng mga Puso. Sa pagdiriwang ng Lupercalia sa
Roma
tuwing
Pebrero 15
, nakaugalian ng mga sinaunang mga batang kalalakihan ang pagsulat ng mga pangalan ng mga batang kababaihan sa mga malalaking urno o plorera, kung kailan nagiging kapareha ng isang batang babae ang batang lalaki sa panahon ng pestibal. Upang magkaroon ng
Kristiyanong
kahulugan at mukha ang paganong selebrasyon, nilipat ng
Simbahang Katolika
ang Araw ng mga Puso mula Pebrero 15 patungong Pebrero 14, ang araw kung kailan naging martir ang santo at paring si Valentino.
[1]
Lumitaw ang mga unang papel na pambating tarheta magmula noong mga ika-16 daantaon, na naglalaman ng mga tula ng pagmamahal at mga ginuhit na larawan ni
Kupido
, ang
diyos
ng
pag-ibig
, kasama ng kaniyang pamana at palaso. Naging tanyag ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso noong mga kalagitnaan ng ika-19 daantaon, ang panahon kung kailan ipinakilala sa madla ang mga sang
kusing
na postahe at mga
sobre
.
[1]
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Kalinangan
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.