Anggulo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagsukat ng anggulo

Sa heometriya , ang isang anggulo ay nabubuo sa pamamagitan ng dalawang ray o piraso ng linya, tinatawag na mga gilid ng anggulo, na may kaparehong dulo, tinatawag na vertex o taluktok ng anggulo. [1] [2] Kung gaano kalaki ang sulok ng pinagsalubungan ng mga linya, ganoon na rin ang sukat ng anggulo. Ang salitang "anggulo" ay hango sa Latin na angulus o "sulok".

Sukat ng anggulo [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Ang dalawang karaniwang sukat o unidad ng anggulo ay grado (deg) at radyan (rad). [3]

  • Ang isang grado o grado seksadyesimal ay katumbas ng 1/360° ng isang rotasyon. Ang isang buong rotasyon o bilog ay may sukat na 360°. Karagdagan, ang iba pang sukat sa sistema na seksadyesimal ay ang arkominuto at arkosegundo , na makikita rin sa pagbasa ng oras.
Ang sistemang seksadyesimal
unidad halaga simbolo radyan
grado 1/360 ikot ° 17.4532925 mrad
arkominuto 1/60 grado 290.8882087 μrad
arkosegundo 1/60 arkominuto 4.8481368 μrad
miliarkosegundo 1/1000 arkosegundo 4.8481368 nrad
mikroarkosegundo 1 × 10 ?6 miliarkosegundo 4.8481368 prad
  • Ang radyan ay ang anggulo na maisasalarawang bilang parte ng kabuuan ng isang bilog . Para masukat ang isang anggulo, θ, maaring gumuhit ng isang arko na sentro ang sulok. Ang haba nitong arko, s , ay inihahayag bilang proporsyon ng radio.

Ang isang buong ikot ay may radyan na sukat na 2Π.

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. Sidorov, L.A. (2001), "Angle" , in Hazewinkel, Michiel (pat.), Encyclopedia of Mathematics , Springer, ISBN   978-1-55608-010-4 {{ citation }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  2. Anggulo mula sa Wolfram MathWorld
  3. "Talaan ng mga sukat" . Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-10-01 . Nakuha noong 2010-09-15 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )

Heometriya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heometriya ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.