Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pagbibigay ng
limos
sa mahihirap ay kadalasang itinuturing bilang isang altruistikong kilos.
Ang
altruismo
ay ang
prinsipyo
at
moral na kaugalian
hinggil sa malasakit para sa
kaligayahan
ng mga ibang
tao
o ibang hayop, na nagreresulta sa
kalidad ng buhay
na
materyal
at
espirituwal
. Isa itong tradisyonal na
birtud
sa maraming kultura at pangunahing aspeto ng ilang relihiyosong paniniwala at sekular na pananaw sa mundo, ngunit nagkakaiba ang konsepto ng "kapwa" na dapat pagtuunan ng pagmamalasakit sa mga kultura at relihiyon. Sa isang matinding kaso, maaaring maging magkasingkahulugan ang altruismo at pagiging di-makasarili, na salungat sa
pagkamakasarili
.
Inilikha ang salitang "altruismo" ng pilosopong Pranses na si
Auguste Comte
sa wikang Pranses,
altruisme
, bilang
kabaligtaran
ng
pagkamakasarili
.
[1]
[2]
Hinango niya ito mula sa
altrui
sa Italyano, na nakuha naman mula sa
alteri
sa Latin, na nangangahulugang "
kapwa
" o "ibang tao".
[3]
Ang altruismo sa mga obserbasyong
biyolohikal
sa mga populasyon sa larangan ay isang indibidwal na kumikilos kung saan may pinaggagastusan o may nasasakripisyo (hal. kasiyahan at kalidad ng buhay, oras, probabilidad na makaligtas o magparami), ngunit nagpapapakinabang, direkta man o hindi, sa iba pang indibidwal, nang walang inaasahang katumbas o kabayaran para sa kilos na iyon. Inimumungkahi ni Steinberg ang isang depinisyon para sa altruismo sa klinikal na larangan, na "mga sinasadya at kusang-loob na kilos na may layuning mapahusay ang kapakanan ng isa pang tao sa kawalan ng anumang
quid pro quo
na gantimpalang panlabas".
[4]
Sa isang diwa, ang kabaligtaran ng altruismo ay
poot
(
spite
); ang mapoot na kilos ay nakapipinsala sa iba nang walang pakinabang sa sarili.
Nagkakaiba ang altruismo mula sa mga damdamin ng
katapatan
, anupat habang ang huling nabanggit ay nakasalalay sa mga kaugnayang panlipunan, hindi ikinokonsidera ng altruismo ang mga relasyon. Maraming debate ang umiiral sa kung baga posible ang altruismong
"tunay"
sa sikolohiya ng tao. Inimumungkahi ng teorya ng
egoismong sikolohikal
na walang gawa ng pagbabahagi, pagtutulong o pagsasakripisyo ay mailalarawan bilang altruistiko talaga, dahil ang gumagawa ay maaaring makatanggap ng gantimpalang likas (
intrinsic reward
) sa anyo ng pansariling
kasiyahan
. Nakadepende ang bisa ng argumentong ito kung kuwalipikado ang mga gantimpalang likas bilang mga "benepisyo".
Maaaring tumukoy rin ang salitang
altruismo
sa isang doktrina sa etika na nagsasabing ang mga indibidwal ay may moral na obligasyon na makinabang ang iba. Kapag ginamit sa diwang ito, kadalasan ito ay ipinakikitang naiiba sa
egoismo
, na nag-aangkin na ang mga indibidwal ay may moral na obligasyon na magsilbi muna sa kanilang sarili. Ang
altruismong epektibo
ay ang paggamit ng ebidensya at katwiran upang malaman ang mga pinakaepektibong paraan para makinabang ang mga iba.
- ↑
"altruism (n .)"
.
Online Etymology Dictionary
. Douglas Harper
. Nakuha noong
Setyembre 19,
2014
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Teske, Nathan (2009).
Political Activists in America: The Identity Construction Model of Political Participation
[
Mga Aktibista sa Politika sa Amerika: Ang Modelo ng Pagkakagawa ng Pagkakakilanlan ng Pakikilahok sa Politika
] (sa wikang Ingles). University Park, Pa.: Pennsylvania State University Press. p. 101.
ISBN
9780271035468
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Ciciloni, Ferdinando (1825).
A Grammar of the Italian Language
[
Balarila ng Wikang Italyano
] (sa wikang Ingles). London: John Murray. p.
64
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Steinberg, David (2010). "Altruism in medicine: its definition, nature, and dilemmas" [Altruismo sa medisina: ang kahulugan, katangian, at mga suliranin nito].
Cambridge Quarterly of Healthcare Ethics
(sa wikang Ingles).
19
(2): 249?57.
doi
:
10.1017/s0963180109990521
.
PMID
20226108
.
{{
cite journal
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)