Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Alexander Ivanovich Oparin
(
Ruso
:
Алекса?ндр Ива?нович Опа?рин
; in English, Aleksandr Ivanovich Oparin
[1]
) (
Marso 2
[
Lumang Estilo
Pebrero 18]
1894
,
Uglich
,
Russia
? 21 Abril 1980,
Moscow
) ay isang
biyokimikong
Soviet
na kilala para sa kanyang mga ambag sa teoriya ng
pinagmulan ng buhay
at kanyang pagsulat ng aklat na
Ang Pinagmulan ng Buhay
. Nag-aral rin siya ng biyokimika ng pagpoproseso ng materyal ng mga halaman at mga reaksiyong enzyme sa mga selula ng halaman. Kanyang naipakita na ang maraming mga proseso ng produksiyon ng pagkain ay batay sa
biocatalysis
at pinaunlad ang mga pundasyon ng industriyal na biyokimika sa
USSR
.
[2]
Nagtapos si Oparin mula sa Moscow State University noong 1917 at naging propesor ng biyokimika doon noong 1927. Ang karamihan sa kanyang mga maagang papel ay ukol sa mga enzyme ng halaman at kanilang papel sa metabolismo. Noong 1924, kanyang isinulang ang isang teoriya ng buhay na umunlad sa mundo sa pamamagitan ng unti unting ebolusyong kimikal ng mga nakabase sa carbon na molekular sa isang primordial soup. Noong 1935 kasama ng akademikong si Alexey Bakh, kanyang itinatag ang Biochemistry Institute ng Academy of Sciences ng
USSR
. Noong 1939, siya ay naging tumutugong kasapi ng Akademyang Pang-Agham ng USSR at noong 1994 ay naging kasapi ng Akademya. Noong mga 1940 at 1950, kanyang sinuportahan ang mga teoriya nina Trofim Lysenko at Olga Lepeshinskaya na ang mga pinagmulan ng mga selula ay mga hindi selular na materya. Noong 1970, siya ay nahalal na Presidente ng International Society for the Study of the Origins of Life. Siya ay namatay noong 21 Abril 1980 at inilibing sa sementeryong Novodevichy sa Moscow. Si Oparin ay naging Bayani ng Paggawang Sosyalista noong 1969 at tumanggap ng Gantimpalang Lenin noong 1974 at Gintong Medalyang Lomonosov noong 1979 "para sa natatanging mga nagawa sa biyokimika". Siya ay ginawaran ng limang mga Orden ni Lenin.