Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Aineias
(
Griyego
: Αινε?α?, bigkas /e·ni·yas/;
Latin
:
Aeneas
, bigkas /ay·ne·yas/) ay isang bayani ng
Troia
, anak ni Prinsipe
Anchises
at ng diyosang si
Venus
. Pinsan din siya ni Haring
Priamos
ng Troia. Nakatala ang paglalakbay ni Aineias mula Troia, na nauwi sa pagkatatag ng lungsod na magiging
Roma
balang araw, sa
Aeneis
ni
Vergilius
. Itinuturing siyang isang mahalagang tauhan sa alamat at kasaysayang
Griyego
at
Romano
. Isa rin siyang tauhan sa
Iliada
ni
Homer
at sa
Troilus at Cressida
ni
Shakespeare
. Sinasabi ring inapo niya ang emperador na si
Augustus
.
[1]
Sa
Iliada
ni
Homer
, si Aineias ang gumanap na pinuno ng mga
Dardan
(mga
Dardaniano
, mga kakampi ng mga
Trohano
), ang pangunahing tenyente ni
Hector
na anak ng hari ng Troiang si
Priam
. Sa tulang ito, palaging tumutulong kay Aineias, sa kaniyang mga pakikipagdigmaan, ang inang-diyosa niyang si
Venus
; isa rin siyang paborito ng diyos na si
Apollo
. Nailigtas nina Venus at Apollo si Aineias mula sa pakikipaglaban nito kay
Diomedes
ng
Argos
, isang taong maaari sanang nakapaslang kay Aineias. Dinala siya ng dalawang diyos sa
Pergamos
para pagalingin. Maging si
Poseidon
, na karaniwang kumakampi sa mga Griyego, ay tumulong sa pagsalakay ni
Achilles
, sapagkat alam ni Poseidon na itinalagang maging isang hari ng mga mamamayang Troianong si Aineias bagaman nagmula ito sa isang mababang sangay ng isang maharlikang mag-anak.
Nilalahad sa epikong
Aeneis
, noong wakas ng Digmaang Troiano, na pinabagsak at pinaguho ng mga sinaunang Griyego ang lungsod ng Troia. Nakaligtas sina Aineias kasama ang kaniyang amang si Anchises, ang anak na si Ascanius, at isang pangkat ng mga tagasunod. Inibig niyang magtatag ng isang panibagong Troia kaya't naghanap siya ng isang pook para rito. Hindi nagtagumpay ang mga naunang tangka niya. Pagkaraan ng ilang mga pakikipagsapalaran, nasira ang kaniyang barko at narating nila ang
Hilagang Aprika
, kung saan pinayagan silang makahintil sa lungsod ng
Cartago
(ang
Carthage
). Umibig kay Aineias ang pinunong reyna ng Cartagong si Dido (o Didon), na ibig makipag-isang dibdib kay Aeneas. Subalit pinili ng mga diyos na tunguhin ni Aineias ang
Italya
, kung saan ang mga inanak ng kaniyang lahi ang siyang magtatatag ng bayang Romano. Sa pamamagitan ng diyos na si
Mercurio
(si
Mercury
) napaalalahanan si Aineias ng kaniyang magiging kapalaran. Iniwan ni Aineias si Dido, kaya't nagpatiwakal ang naiwang reyna dahil sa kasawian.
|
---|
Mga Diyos
| | |
---|
Mga abstraktong Diyos
| |
---|
Mga maalamat na tagapagtatag
| |
---|
Mga kasulatan
| |
---|
Mga konsepto at kasanayan
| |
---|
Tingnan din
| |
---|