Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pantalan ng Aden mula sa
ISS
noong 2016.
Aden
Ang
Aden
(
NK
/
/
AY
-duhn
,
EU
/
/
AH
-den
;
Arabe
:
???
?Adin
/
?Adan
pagbigkas sa
Yemeni
:
[??æden, ??ædæn]
) ay isang pangunahing
lungsod
at
pantalan
sa
Yemen
. Matatagpuan ito sa bunganga ng
Dagat Pula
(sa
Golpo ng Aden
) mga 170 kilometro (110 milya) silangan ng
Bab-el-Mandeb
. Ang populasyon nito ay umaabot sa 800,000 katao. Ang sinauna at likas na
daungan
ng Aden ay matatagpuan sa bunganga (
crater
) ng isang di-aktibong
bulkan
na ngayong bumubuo sa isang
tangway
at nakaugnay sa punong-lupain (
mainland
) sa pamamagitan ng isang mababang
dalahikan
. Ang daungang ito, ang Front Bay, ay unang ginamit ng sinaunag
Kaharian ng Awsan
sa pagitan ng ika-7 at ika-5 dantaon BK. Nasa kabilang gilid naman ng tangway ang makabagong daungan. Binabahagi ng Aden ang pangalan nito sa
Golpo ng Aden
.
Binubuo ang Aden ng ilang mga di-magkauring sub-sentro: Crater, ang orihinal na pantalang lungsod; Ma'alla, ang makabagong pantalan; Tawahi, na kilala bilang "
Steamer Point
" sa panahong koloniyal; at mga liwaliwan (
resort
) ng Gold Mohur. Ang Khormaksar na matatagpuan sa dalahikan na nag-uugnay ng pusod ng Aden sa punong-lupain ay kinaroroonan ng mga misyong diplomatiko ng lungsod, ng mga punong tanggapan ng
Pamantasan ng Aden
, at
Paliparang Pandaigdig ng Aden
(ang dating himpilang RAF Khormaksar ng British Royal Air Force) na pangalawang pinakamalaking paliparan ng Yemen. Sa punong-lupain ay mga sub-sentro ng Sheikh Othman, isang dating
oasis
na lugar; Al-Mansura, isang bayang pinalano ng Briton; at Madinat ash-Sha'b (dating Madinat al-Itihad), ang sityong itinakda bilang kabisera ng
South Arabian Federation
at ngayong kinaroroonan ng isang malaking pasilidad ng lakas/
desalinisasyon
at karagdagang mga
faculty
ng Pamantasan ng Aden.
Ang Aden ay kabisera ng
Popular na Demokratikong Republika ng Yemen
hanggang sa pag-isahin ang nasabing bansa sa
Yemen Arab Republic
noong 1990, at naging pansamantalang kabisera ng Yemen noong
bunga
ng
kudeta noong 2014?15
, tulad ng ipinahayag ni Pangulong
Abd Rabbuh Mansur Hadi
pagkaraan niyang lumikas mula sa pag-okupa ng
Houthi
sa
Sana'a
.
[1]
Mula Marso hanggang Hulyo 2015, may
labanan
sa pagitan ng Houthis at mga loyalista ni Pangulong Hadi. Nagkulang ang mga suplay ng tubig, pagkain, at kagamitang medikal sa lungsod.
[2]
Noong Hulyo 14, inilunsad ng
Hukbong Katihan ng Saudi
ang isang opensiba upang makuha muli ang Aden para sa pamahalaan ni Hadi. Sa loob ng tatlong araw napaalis ang mga Houthis mula sa lungsod.
[3]
Tingnan ang katumbas na artikulo sa
Wikipediang Ingles
para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.
- Norris, H.T.; Penhey, F.W. (1955). "The Historical Development of Aden's defences".
The Geographical Journal
. CXXI part I.
{{
cite journal
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
May kaugnay na midya tungkol sa
Aden
ang Wikimedia Commons.
12°48′N
45°02′E
/
12.800°N 45.033°E
/
12.800; 45.033
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Heograpiko
| |
---|
Iba pa
| |
---|