Si
Abraham Lincoln
[1]
(
12 Pebrero
1809
-
15 Abril
1865
) ay ang ika-16 na
Pangulo ng Estados Unidos sa Amerika
, na nanungkulan mula taong
1861
hanggang
1865
. Siya ang pangulo na nagwakas sa pag-aalipin sa mga itim sa kanyang bansa, na kagawiang pinahihintulutan noon sa ilang mga kapamahalaan (o
estado
) sa katimugang bahagi ng kanyang bansa, at ito ang naging kalutasan sa
digmaan ng mga mamamayang Amerikano
(hilaga laban sa timog). Noong 1865, pagkaraan ng digmaan na ito, siya ay pinaslang ni
John Wilkes Booth
sa kaparaanang pamamaril habang siya ay nanonood ng dula sa isang gusaling panooran.
Ipinanganak si Lincoln malapit sa kasalukuyang Hodgenville,
Kentucky
noong 1809. Lumipat siya sa
Indiana
noong 1816, at namalagian sa New Salem,
Illinois
noong 1831. Naglingkod siya sa Batasan ng Illinois mula 1834 hanggang 1842. Muli siyang lumipat patungo Springfield noong 1837. Napangasawa niya si Mary Todd noong 1842. Mula 1847 hanggang 1849, naging kasapi siya ng
Kabahayan ng mga Kinatawan
ng
Estados Unidos
.
[1]
Tumakbo siya para sa Senado noong 1855 subalit hindi nagwagi. Nakipagdebate siya kay
Stephen A. Douglas
noong 1858. Iniharap siya bilang kandidato sa pagka-pangulo ng Estados Unidos noong
Mayo 18
,
1860
, at nahalal bilang presidente noong
Nobyembre 6
. Ginawad ang pagpapasinaya niya bilang ika-16 pangulo ng Estados Unidos noong
Marso 4
,
1861
.
[1]
Nagsimula ang panahon ng Digmaang Sibil nang tumawag siya ng mga boluntaryo noong
Abril 15
,
1861
.
[1]
Una niyang ipinahayag ang paunang labas ng Proklamasyon ng Emansipasyon noong
Setyembre 22
,
1862
, at ibinigay pinakahuli at opisyal na pagpapahayag nito noong
Enero 1
,
1863
. Ang proklamasyong ito ang pinakaunang hakbang patungo sa pagbubuwag ng pagkakaroon ng mga aliping itim sa Amerika. Ipinahayag niya ang talumpating
Gettysburg Address
noong
Nobyembre 19
, 1863.
[1]
Nang sumapit ang
Marso 12
,
1864
, itinalaga niya si Heneral
Ulysses S. Grant
bilang komandante ng mga hukbo ng Unyon.
[1]
Muli siya nahalal bilang pangulo noong
Nobyembre 8
,
1864
. Isinagawa ang pagpapasinaya noong
Marso 4
,
1865
.
Sumuko si
Robert E. Lee
kay
Ulysses S. Grant
noong
Abril 9
,
1865
. Binaril si Lincoln ni John Wilkes Booth noong
Abril 14
, at binawian siya ng buhay noong
Abril 15
, 1865. Naganap ang pagbaril habang nanonood si Lincoln ng isang
dula
sa Tanghalang Ford sa
Washington, D.C.
Si Abraham Lincoln ang unang pangulong napatay ng isang
asesino
.
[1]
[2]