Ang
Abenida Quirino
(
Ingles
:
Quirino Avenue
), na kilala rin sa pormal na ngalan nito na
Abenida Pangulong Elpidio Quirino
(
President Elpidio Quirino Avenue
), ay isang lansangang panlungsod sa
Maynila
,
Pilipinas
, na nahahati ng pangitnang harangan at may anim hanggang sampung linya. Dumadaan ito sa direksyong hilagang-silangan pa-timog-kanluran, mula
Tulay ng Mabini
(dating Tulay ng Nagtahan) sa hilaga hanggang
Bulebar Roxas
sa
Malate
. Dumadaan ito sa mga distrito ng
Pandacan
at
Paco
. Ang haba nito ay 3.6 kilometro (2.2 milya). Itinakda ito bilang bahagi ng
Daang Palibot Blg. 2
ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan at
N140
ng
sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas
.
Itinayo ang Abenida Quirino noong unang bahagi ng ika-labinsiyam na dantaon sa
panahon ng pananakop ng mga Kastila
. Unang itinayo ang bahaging Karugtong ng Abenida Quirino sa Paco bilang
Calle Canonigo
.
[1]
Ang daang patungong Tulay ng Nagtahan ay isa pa lamang makipot na kalye na tinatawag na
Calle Luengo
.
[2]
Pagpasok ng dekada-1920, sa ilalim ng
Pamahalaang Insular
ng
Estados Unidos
, itinayo ang daang mula
Plaza Dilao
hanggang
Ilog Pasig
at
Santa Mesa
. Tinawag itong
Kalye Tomas Claudio
(o Daang Paco?Santa Mesa), mula kay
Tomas Mateo Claudio
, bayaning Pilipino noong
Unang Digmaang Pandaigdig
.
[3]
Alinsunod sa
Burnham Plan
para sa Maynila, pinahaba ang daan upang maidugtong ito sa
Bulebar Harrison
(
Harrison Boulevard
), isang lansangan na dumadaan nang patimog-kanluran mula Calle Herran (
Kalye Pedro Gil
ngayon) hanggang Bulebar Dewey (
Bulebar Roxas
ngayon). Kalaunan, ang kabuuan ng lansangan na bumubuo sa bahagi ng
Daang Palibot Blg. 2
ay pinangalanang Abenida Quirino, mula kay
Elpidio Quirino
, ika-anim na
pangulo ng Pilipinas
.
- Bahaging Tulay ng Mabini - Kalye Tomas Claudio
Ang hilagang dulo ng Abenida Quirino ay sa sangandaan ng Kalye Paz Mendoza Guazon at Kalye Jesus sa
Paco
paglampas ng
Tulay ng Mabini
(dating Tulay ng Nagtahan) bilang taga-pagpatuloy ng Kalye Nagtahan. Papasok naman ito sa
Pandacan
pagkatapos. Liliko naman ito pa-timog-kanluran para masunod sa pagkakalinya ng mga linyang daangbakal ng
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
, kung saan tutumbukin nito ang
Kalye Tomas Claudio
.
- Bahaging Kalye Tomas Claudio - Lansangang Osmena
Sa timog ng sangandaan ng Kalye Tomas Claudio, dadaan ang abenida sa distrito ng Paco kung saan matatagpuana ang luma at bagong estasyong PNR ng Paco at Plasa Dilao. Paglampas ng
Kalye Pedro Gil
, susundan nito ang deretsong ruta patungong
Malate
kung saan tutumbikin nito ang
Lansangang Osmena
. Ang 230kV linyang transmisyon ng Sucat-Araneta-Balintawak ay dumadaan sa bahaging ito mula Kalye Tomas Claudio hanggang Lansangang Osmena, kung saang aalis ng Abenida Quirino ang linya.
- Bahaging Lansangang Osmena - Bulebar Roxas
Ang bahagi ng Abenida Quirino sa Malate ay kadalasang pook pamahayan at pang-komersiyal. Tutumbukin nito ang
Abenida Taft
sa ilalim ng
Estasyon ng Quirino ng LRT
. Paglampas, nagbibigay-daan ito sa mga pook-pasyalan tulad ng
Remedios Circle
at
Manila Zoo
. Liliko ito pa-kanluran paglampas ng
Kalye Adriatico
. Tatapos ito ng tuluyan sa
Bulebar Roxas
malapit sa
Manila Yatch Club
.
- Karugtong ng Abenida Quirino (
Quirino Avenue Extension
)
Nagdudurugtong ang Abenida Quirino mula sa isang
loop road
sa paligid ng Plasa Dilao patungong pook-industriyal ng Paco (Kalye Paz Mendoza Guazon) at
Abenida ng United Nations
. Ang nasabing karugtong ay isang pangunahing ruta ng mga trak na dumadaan sa pagitan ng
South Luzon Expressway
at
Port Area
ng Maynila.
14°34′33″N
120°59′46″E
/
14.57583°N 120.99611°E
/
14.57583; 120.99611