Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Abenida Ortigas
(
Ingles
:
Ortigas Avenue
) ay isang lansangang may haba na 15.5 kilometro (9.6 milya) at bumabagtas sa silangang bahagi ng
Kalakhang Maynila
at kanlurang bahagi ng lalawigan ng
Rizal
. Isa ito sa mga pinakaabalang lansangan sa Kamaynilaan, na may mas-maraming trapiko kaysa ng
EDSA
. Binabagtas nito ang
Lundayang Ortigas
sa mga lungsod ng
Mandaluyong
,
Lungsod Quezon
, at
Pasig
.
Ang kanlurang dulo nito ay sa sangandaan nito sa Daang Santolan sa
Lungsod ng San Juan
, at ang silangang dulo nito ay sa L. Sumulong Memorial Circle sa
Antipolo
, Rizal. Ang bahagi ng abenida mula
Palitan ng Daang Palibot Blg. 5?Abenida Ortigas
hanggang Antipolo ay tinaguriang
Karugtong ng Abenida Ortigas
(
Ortigas Avenue Extension
). Paglampas ng Daang Santolan, tutuloy ang Abenida Ortigas bilang
Kalye Granada
na magiging
Abenida Gilmore
ilang sandali bago tumbukin nito ang
Bulebar Aurora
upang makapasok sa New Manila, Lungsod Quezon.
Ang bahagi ng Abenida Ortigas mula
Abenida Eulogio Rodriguez Jr.
(
C-5
) sa Ugong, Pasig, hanggang sa Taytay Diversion Road sa
Taytay
ay itinakdang bahagi ng
Daang Radyal Blg. 5
(R-5). Ang pangunahing bahagi ng abenida mula EDSA hanggang L. Sumulong Memorial Circle sa Antipolo ay isang bahagi ng
N60
ng
sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas
. Sa kabilang banda, ang bahagi ng abenida mula EDSA hanggang Daang Santolan ay itinalagang bahagi ng
N184
ng nasabing sistema.
Ipinangalan ito kay Francisco Ortigas y Barcinas, ang nagtatag ng
Ortigas & Company Limited Partnership
, ang may-ari ng lupaing Hacienda de Mandaluyon kung saan itinatag ang Lundayang Ortigas.
Nagsisimula ang Abenida Ortigas bilang isang pisikal na karugtong ng
Kalye Granada
paglampas ng
Abenida Bonny Serrano
sa
Lungsod Quezon
. Dadaanin nito ang
Greenhills Shopping Center
,
San Juan
at ang likod ng
Wack Wack Golf and Country Club
. Tatawirin nito ang
Abenida Epifanio de los Santos
(EDSA) sa
Palitan ng EDSA-Ortigas
at dadaan sa
Lundayang Ortigas
, at gagawa ng bahagyang liko sa
Abenida Meralco
. Dadaan ang abenida sa Ugong kalaunan pagpasok nito sa Pasig at tatawid ng
Daang Palibot Blg. 5
(C-5) sa
Palitang C5-Ortigas
. Paglampas ng Palitang C-5-Ortigas, tinatawag itong
Karugtong ng Abenida Ortigas
(
Ortigas Avenue Extension
). Tatawid ito kalaunan sa
Ilog Marikina
at
Manggahan Floodway
, bahagyang magiging pang-isahang daanan (
single carriageway
) at babalik muli sa pandalawahang daanan (
dual carriageway
), at papasok sa
Cainta
,
Rizal
pagkatapos ng SM City East Ortigas (dating Ever Gotesco Ortigas). Tatawid ito sa Abenida Andres Bonifacio at Abenida Imelda sa Tagpuang Cainta, ang unang simula ng
Manila East Road
. At pagkatapos tutuloy ito sa
Antipolo
at dadaan sa Tagpuang Kaytikling kasama ang Taytay Diversion Road papuntang Manila East Road. Paglampas ng Kaytikling, susundan nito ang paliku-likong ruta sa Antipolo, at dadaan sa ilang mga pantahanang subdibisyon bago matapos ito sa L. Sumulong Memorial Circle malapit sa Panlalawigang Kapitolyo ng Rizal. Tutuloy ito patungong kabayanan ng Antipolo bilang Kalye P. Oliveros, na nagtatapos malapit sa Dambana ng
Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
(
Our Lady of Peace and Good Voyage
).
14°35′45″N
121°3′17″E
/
14.59583°N 121.05472°E
/
14.59583; 121.05472