Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abenida Makati
Makati Avenue
|
---|
|
|
Haba
| 2.3 km (1.4 mi)
|
---|
|
Dulo sa hilaga
| Tulay ng Makati-Mandaluyong sa Poblacion
|
---|
| |
---|
Dulo sa timog
| Abenida Arnaiz
sa San Lorenzo Village
|
---|
|
Mga daanan sa Pilipinas
|
Ang
Abenida Makati
(
Ingles
:
Makati Avenue
) ay ang pangunahing lansangang komersyal sa
Makati
,
Kalakhang Maynila
,
Pilipinas
. Bumubuo ito sa silangang hangganan ng Ayala Triangle at isa ito sa mga tatlong pangunahing abenida ng
Makati Central Business District
o CBD. Dumadaan ito sa direksyong hilaga-patimog na mukhang patagilid at halos kalinya sa
EDSA
. Dumadaan ito sa dalawang magkaibang distrito sa lungsod: ang Makati CBD at ang lumang
Makati Poblacion
(kabayanan ng lungsod). Ang haba nito ay 2.3 kilometro (1.4 milya), at ang mga linya nito ay maaaring dalawa (sa kabayanan) o tatlo-apat na linya (sa ligid ng CBD). Mayroon itong maikling tagapagpatuloy patungong San Lorenzo Village bilang Kalye San Lorenzo (
San Lorenzo Drive
).
Sa hilagang dulo nito matatagpuan ang lumang bahagi ng Makati na nagsisimula sa Tulay Makati-Mandaluyong at
Abenida J.P. Rizal
. Tutuloy ito sa kabayanan ng lungsod hanggang sa
Abenida Gil Puyat
na nagtatakda sa katimugang dulo ng lumang distrito. Sa timog ng Gil Puyat patungong Makati CBD, nagiging mas-komersyal at mas-pang-mayaman ang anyo ng abenida. Kapwa matatagpuan sa katimugang dulo ang
Sentrong Ayala
at
Abenida Arnaiz
.
Nagsilbi bilang pangunahing daan patungo sa dating
Palapagang Nielson
mula
San Pedro de Macati
ang abenida. Tinawag ito noon bilang
Daang Culi-Culi
(
Culi-Culi Road
) na nagbigay rin ng daan patungong Culi-Culi (Baranggay Pio del Pilar ngayon) sa kanluran ng palapagan.
[1]
Noong isinara ang paliparan pagkaraan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
, ang mga patakbuhan nito ay ginawang mga malawak na daan na kilala ngayon bilang
Abenida Ayala
at
Paseo de Roxas
. Ang control tower nito ay pinreserba at isa na ngayong aklatan ng Filipinas Heritage Library.
[2]
Matatagpuan ang nasabing aklatan sa abenida sa timog-silangang panulukan ng Ayala Triangle.
Ang Abenida Makati, lalong-lalo na ang bahagi na nasa kabayanan ng Makati, ay may kasaysayan ng prostitusyon. Ang mga ligid sa Kalye P. Burgos, na may mga nightklab, bar, at otel pambadyet, ay kinukunsidera ng marami bilang red light district ng Makati.
[3]
[4]
Subalit sa kasalukuyan, isinasailalim ang nasabing lugar sa pagpapabuti at pagpapaganda, kasama na riyan ang pagtatayo ng mga bagong gusali tulad ng mga nasa bagong complex ng
Century City
.
[5]
14°33′31″N
121°1′35″E
/
14.55861°N 121.02639°E
/
14.55861; 121.02639