Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Abenida Kongresyonal
(
Ingles
:
Congressional Avenue
) ay isang 12.4 kilometro (7.7 milyang)
lansangan
na matatagpuan sa
Lungsod Quezon
,
Pilipinas
, na sumasaklaw sa anim na mga linya. Isa ito sa mga daang sekundarya sa
Kalakhang Maynila
at itinakdang bahagi ng
Daang Palibot Blg. 5
(C-5) ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan at
N129
ng sistema ng pambansang lansangan ng
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
.
Nagsisimula ang Abenida Kongresyonal sa sangandaan nito sa EDSA bilang hilagang karugtong ng
Abenida Roosevelt
, at dadaan ito sa ilan sa mga
Project Areas
ng lungsod, sa Abenida Tandang Sora, at tatapos sa Abenida Luzon sa pook ng Matandang Balara (
Old Balara
).
Bilang isang lansangan ng Lungsod Quezon, ang Abenida Kongresyonal ay isa sa mga umuusbong na mga destinasyon pang-pagkain sa lungsod dahil sa kadahilanan na karamihan sa mga establisimiyentong pang-pagkain tulad ng mga
foodpark
ay nagtatayo ng mga tindahan lalo na sa bahaging karigtong ng abenida.
Sumusunod ang Abenida Kongresyonal sa rutang pa-titik L mula EDSA hanggang Abenida Luzon. Ang pangunahing bahagi sa kanluran ng sangandaan nito sa Abenida Visayas ay kilala sa madaming mga sangandaan nito, kung saan ang mga pangunahing sangandaan ay pinapatupad ng mga ilaw-trapiko habang ang mga ibang sangandaan ay gumagamit ng walang ilaw-trapiko na bagtasan o mga
improvised
na
u-turn slot
. Ang bahaging karugtong (
Karugtong ng Abenida Kongresyonal
) sa silangan ng sangandaan nito sa Abenida Visayas ay kilala sa kalahating kontrol ng pagpasok, kung saan ang mga sangandaang nasa lupa ay pinalitan ng mga
U-turn slot
.
Noong unang bahagi ng dekada-2000, inilarawan ang abenida na magdudugtong sa Abenida Luzon upang mapunan ang pagkokompleto ng
Daang Palibot Blg. 5
na kasama ang pagpapalawak ng mga Abenidang Katipunan at Luzon gayunfin ang pagtatayo ng C.P. Garcia-Luzon Flyover na naglalayong ilihis ang C-5 gayundin ang trapiko mula sa makitid na Abenida Tandang Sora pagpunta sa mga
Project Area
gayundin sa Abenida Mindanao patungo sa magiging NLEX Mindanao Avenue Link ng
NLEX
.
14°39′22″N
121°3′22″E
/
14.65611°N 121.05611°E
/
14.65611; 121.05611