Ang
Abenida Koronel Bonny Serrano
(
Ingles
:
Colonel Bonny Serrano Avenue
), na mas-kilala bilang
Abenida Bonny Serrano
(
Ingles
:
Bonny Serrano Avenue
), ay isang pangunahing lansangan mula silangan pa-kanluran sa Distrito ng Silangang Maynila ng
Kalakhang Maynila
,
Pilipinas
, na dumadaan sa pagitan ng
Lungsod ng San Juan
at
Lungsod Quezon
. Apat ang mga linya nito at ang haba nito ay 4.42 kilometro (2.75 milya). Bumubuo ito sa hilagang hangganan ng San Juan at katimugang hangganan ng New Manila at Cubao ng Lungsod Quezon at nag-uugnay ng himpilan ng
Pambansang Pulisya ng Pilipinas
(PNP) sa
Kampo Crame
sa himpilan ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas
sa
Kampo Aguinaldo
. Dumadaan ang abenida mula sa hangganan ng mga barangay ng Corazon de Jesus, St. Joseph, at Little Baguio sa San Juan sa kanluran hanggang sa mga nayon ng Libis at Blue Ridge B sa Lungsod Quezon, malapit sa hangganan nito sa
Marikina
, sa silangan.
Ang Abenida Bonny Serrano ay dating tinawag na
Carretera de Santolan
(o
Santolan Road
) na dumaan mula sa Santolan pumping station sa
Ilog Mariquina
hanggang
El Deposito
water reservoir sa
San Juan del Monte
, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa mga residente ng
Maynila
noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila
. Itinayo ito noong mga 1901 noong mga unang taon ng
pananakop ng mga Amerikano
, sa halagang $150 (o ?150).
[2]
Noong 1935, ang daan na kilala din noon bilang
San Juan?Santolan Road
, ay naging lokasyon ng Kampo Murphy, ang himpilan ng Departamento sa Pilipinas ng
Hukbong Katihan ng Estados Unidos
at di-kinalaunan, ng
Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas
. Ang nasabing kampo ay pinangalanan mula kay gobernador-heneral
Frank Murphy
. Ang kampo militar ay naging Kampo Aguinaldo at Kampo Crame noong nakamit ng Pilipinas ang kalayaan pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
. Ang bahaging San Juan?Lungsod Quezon ng Santolan Road ay binigyan ng bagong pangalang
Colonel Bonny Serrano Avenue
noong 1970, mula kay Venancio "Bonny" Serrano, sundalong binigyan ng karangalan dahil sa kanyang pagsisilbi noong
Digmaang Koreano
.
[3]
Pinalitan ito ng pangalan tatlong buwan pagkaraan ng pagpanaw ni Serrano.
[4]
Subalit kilala pa rin ito bilang "
Santolan Road
" sa mga lokal na residente.
Nagsisimula ang pang-apatan na abenidang ito bilang isang karugtong ng Kalye Pinaglaban at Kalye P. Guevarra sa lungsod ng San Juan. Tutungo ito pasilangan at dadaan sa hangganan sa pagitan ng Bagong Lipunan ng Crame ng Lungsod Quezon at West Crame ng San Juan. Dadaanin nito ang Sementeryong Munisipiyo ng San Juan bago dadating sa hilagang gilid ng
Kampo Crame
. Sa silangan ng sangandaan nito sa
Abenida Epifanio de los Santos
, dadaan ang abenida sa hilagang hangganan ng
Kampo Aguinaldo
kasama ang mga nayon/distrito ng Socorro (Cubao), San Roque. at Bayanihan, at magbabagtas sa ika-15 Abenida sa Unang Tarangkahan ng Kampo Aguinaldo. Babagtasin naman nito ang
Abenida Katipunan
sa pamamagitan ng isang daang pang-ibabaw, at dadaan sa mga barangay ng Blue Ridge A, Saint Ignatius, at Blue Ridge B bago matapos sa
Abenida Eulogio Rodriguez Jr.
sa Libis malapit sa Kampo Atienza. Magtutuloy ang abenida bilang Daang FVR patungo sa
Lansangang Marikina?Infanta
sa Calumpang, Marikina at Santolan, Pasig.
Ang maikling bahagi ng abenida mula Abenida Katipunan hanggang Abenida Eulogio Rodriguez Jr. ay itinakdang bahagi ng
Daang Palibot Blg. 5
(o Daang C-5) ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan at
N11
ng
sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas
. Mula Abenida Katipunan, dadaan ang C-5 sa isang daang pang-ilalim (
underpass
) na liliko pasilangan sa ilalim ng Abenida Bonny Serrano. Sa puntong ito aakyat ang C-5 sa isang
flyover
na agad-agad durugtong sa Abenida Eulogio Rodriguez Jr.. Hindi bahagi ng alinmang ruta ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan ang natitirang bahagi ng abenida, ngunit ang bahaging EDSA-Abenida Katipunan ng abenida ay itinakdang bahagi ng
N185
ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.
14°36′37″N
121°03′11″E
/
14.6102777°N 121.0530555°E
/
14.6102777; 121.0530555